(THEIR LOVE)
***DAN
"Gago ka ba ha?! Bakit mo ginawa kay Ella ang bagay na 'yon?! Kahit na alam kong wala akong kasiguraduhan na hindi mo siya sasaktan nagtiwala ako sa 'yo Chris! Nagtiwala ako kasi pinanghawakan ko 'yong pangakong binitawan mo na hinding-hindi mo siya sasaktan!" buong lakas ko siyang sinuntok sa mukha dahilan para bumagsak siya sa tapat ng condo unit niya.
Sobrang bigat ng paghinga ko at tagaktak na rin ang pawis ko kahit pa fully air-conditioned ang buong hallway ng building na kinalalagyan namin.
Nang malaman ko mula kina Tyson at Tyron ang dahilan kung bakit tulala si Ella nang ihatid ko siya sa bahay nila ay hindi na ako nagdalawang isip pa na lumabas sa unit ko at sunggaban ng suntok ang gagong 'to.
"Ano! Magsasalita ka ba o hindi?!" sa sobrang lakas ng sigaw ko ay halos mapatid na ang mga litid sa leeg ko.
Galit ko siyang kinuwelyohan saka ko siya matalim na tinignan. Pabagsak kong iginiya ang katawan niya sa pader saka ko siya inambahan ng suntok.
"Buong buhay ko minahal ko siya Chris, pero nagpaubaya ako sa inyong dalawa kasi alam kong mas magiging masaya siya sa piling mo. Alam mo ba kung gaano kasakit sa 'king makitang sobrang lawak ng ngiti niya kapag kasama ka niya? Alam mo ba 'yong pakiramdam na halos isumpa ko na 'yong sarili ko dahil sa ginawa kong pagpaparaya sa kaniya?" hindi ko na napigilang maluha. "At alam mo ba kung gaano kahirap sa 'king isipin na kahit ako 'yong naunang nagmahal sa kaniya, ikaw 'yong minahal niya?!" unti-unting bumagsak ang balikat ko ng makitang hindi nagbago ang reaksyon ng mukha niya.
He gave me a cold stare na parang hindi man lang siya tinamaan sa lahat ng sinabi ko sa kaniya.
"Hindi ka ba talaga magsasalita?" tiim bagang kong pinunasan ang mukha ko. "Totoo bang ni katiting hindi mo talaga siya minahal? Kasi si Ella, alam nating lahat na minahal ka niya ng sobra-sobra to the point na wala na siyang itinira sa sarili niya! And aren't you even gonna answer kahit lang sa tanong na 'yon—"
"Hindi ko siya mahal" malamig niyang tugon. "Pinaglaruan ko lang siya, ang tanga-tanga kasi ng kaibigan mo, naniwala siya sa 'kin kahit na alam niya na man na kahit kailan—hinding-hindi ako magmamahal ng hampaslupang katulad niya" napantig ang tainga ko dahil sa narinig.
Naramdaman ko ang mabilisang pag-akyat ng dugo papunta sa ulo ko. Hindi ko na napigilan pa ang galit ko kaya isang malakas na sapak ang iginawad ko sa kaniya.
"HAYOP KANG GAGO KA! MAKASARILI KA! HINDI MO NA INISIP KUNG ANO ANG MARARAMDAMAN NI ELLA!" paulit-ulit ko siyang sinuntok hanggang sa mapahiga na siya sa sahig. Hindi pa ako nakuntento doon, agad ko siyang sinakyan saka ko siya muling binigyan ng magkakambal na mga suntok.
Ibinuhos ko na lahat ng galit at frustrations na nararamdaman ko para sa kaniya.
Traydor siya, walang hiya siya. Siya ang pinaka gagong tao na nakilala ko. Wala siyang puso, isa siyang demonyong nagkatawang tao para saktan at agawin sa 'kin ang babaeng pinakamamahal ko.
Ilang segundo ko na siyang pinauulanan ng suntok pero ni magtaas ng daliri ay hindi niya ginawa. Dahil doon ay mas lalo akong nagalit sa kaniya.
"Hindi ka ba lalaban ha?! LUMABAN KA!" nagpupuyos na ako sa galit. Binigyan ko siya ng isang malakas na suntok saka ako hinihingal na tumayo.
Mas lalong natatapakan ang ego ko dahil sa ginagawa niyang hindi paglaban sa 'kin. Pakiramdam ko wala akong kuwentang kalaban sa mga mata niya kaya kung magpapatuloy 'yon, mas lalong liliit ang tingin niya sa 'kin.
"Tapos ka na?" ngimisi siya saka niya inayos ang suot niyang salamin. Namumula na halos ang buong mukha niya pero nagawa niya pa ring tumayo ng walang kahirap-hirap. "Suntok na 'yon para sa 'yo? Eh parang bata ka lang na pinagbubuntunan ako ng frustrations eh" malamig niyang dugtong saka siya tumawa.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)