KBANG (Chapter 32)

69 5 0
                                    

(HER SIDE)
***

ELLA

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi ako actually nagising dahil magdamag akong gising.

Ikaw ba naman 'yong laplapin ng biglaan tapos biglang iiwan makakatulog ka ng mahimbing?

Pero ang napagtataka kang, nagustuhan ko 'yon at hinayaan ko lang siya!

Muli akong dumapa sa kama at tinakpan ng unan ang ulo ko saka ko sinipa-sipa ang higaan.

"Nakakarami ka na ng halik sa akin Chris Nicola Vergara! Humanda ka talaga sa akin mamaya bibigyan kita ng isang matinding uppercut!" malakas kong sigaw saka gumulong-gulong sa higaan.

Ang masama nga lang ay sumobra ako ng gulong kaya nahulog ako sa sahig.

"Kung minamalas ka nga naman ng bongga! Nilaplap ka na nga, mahuhulog ka pa!"

Natuod ako ng marealized kung ano ang nakatagong meaning sa sinabi ko.

Nahulog na nga ba ako sa kaniya? Kung oo, dapat bang protektahan ko ang sarili ko mula sa kaniya?

***

"Hanep ka rin talaga Dan ah, unang araw mo pa lang dito may fans club ka na!" natatawa kong puri sa kaniya. Binigyan kasi siya no'ng limang seniors ng chocolates pagkapasok na pagkapasok namin sa gate.

"Gusto niyo?" alok ni Dan sa aming dalawa ni Janina.

Maaga kasi ulit na pumunta si Janina sa bahay dahil naging lifestyle na namin na pumasok ng sabay ng school at pagkalabas na pagkalabas namin ng bahay ay may isang poging lalaki na na nakatayo sa harap ng isang sobrang garang kotse.

"Siyempre naman, chocolate na 'yan oh. Hindi tinatanggihan lahat ng matatamis" kumuha ng chocolate si Janina. Ganoon din ako.

Ang weird nga lang no'ng mga chocolate. Naka-lagay kasi sa bilog na alumminum case 'yong mga 'yon tapos ang hitsura sa loob parang atachi case. Sabi pa noong mga babae kanina galing pa raw 'yon ng France.

Edi sila na!

Pero infairness ha, ang sarap.

"Sige lang, kainin niyo na lahat 'yan. Hindi ako mahilig sa sweets eh hahaha" tumawa si Dan saka niya inabot sa akin 'yong chocolate. Ito talaga 'yong advantage ng may poging kaibigan eh, lagi kang busog.

"Alam mo Dan? Dapat lagi mo kaming kasama tapos pag may nag bigay ulit sa 'yo ipakain mo sa amin" biro ko sa kaniya saka ko kinurot ang pisngi niya. Nagtawanan lang kaming tatlo.

"Siya nga pala Dan, ano bang course ang kinuha mo?" tanong ko habang ngumunguya ng chocolate.

"Agriculture. Eversince talaga passion ko na 'yong pag aalaga ng mga tanim sa hacienda. Not to mention, 'yon din ang majority ng source of income ng family ko" sagot niya.

May mga tao pa rin pala na parang si Dan? Sobrang rare na kasi sa mga tao ngayon na magkaroon ng interest lalo na sa agriculture.

"Siya nga pala, got to go na. Gusto niyo bang ihatid ko na kayo sa classroom niyo?" aya niya sa amin.

"Naku wag na" napailing-iling si Janina. "Pagkakaguluhan ka lang ng mga classmates namin doon. Isa pa, hahanapin mo pa 'yong room mo hindi ba?" tanong ni Janina sabay kain din ng chocolate.

Putek kanina pa to kain ng kain eh, baka maubos agad!

"It's okay, I wan't to be friends with a lot of people din naman para ma-overcome ko 'yong pagkamahiyain ko" napakamot sa batok si Dan.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon