KBANG (Chapter 69)

39 3 0
                                    

(MAKEOVER)
***

ELLA

"Anak, wag ka na lang kayang pumunta doon? Hindi naman sa ayaw ko, nag aalala lang talaga ako na baka pag-uwi mo dito umiiyak ka na naman" hinawakan ni mama ang kamay ko saka concerned na tumingin sa 'kin.

Kasalukuyan kaming nakaupo nina mama, papa, kuya Joaquin at Zach dito sa sala habang hinihintay ko si Dan. Ngayon na kasi 'yong araw ng engagement party nila Chris at Kara and he told me to get ready after lunch dahil may pupuntahan pa raw kami bago dumiretso doon.

Halos buong magdamag akong umiyak kagabi kakaisip na talaga ngang hindi na babalik pa sa dating ayos ang lahat dahil ikakasal na si Chris. Ano kaya ang mararamdaman ko sa mismong araw na 'yon? Pipilitin ko bang maging masaya na lang para sa kaniya o iiyak na lang ako ulit hanggang sa maubos na ang nga luha ko?

Pero isang bagay lang ang nasisigurado ko; tuluyan nang mamatay ang siklab ng pag-asang natitira sa puso ko sa sandaling matali na sila sa isa't-isa.

"Okay lang ako ma" ngumiti ako. "Isa pa hindi rin naman ako magtal doon, ibibigay ko lang naman 'yong regalo ko kay Chris pagkatapos noon uuwi na rin kami kaagad"

"Kahit pa, pakiramdam namin halang 'yong bituka no'ng Kara na 'yon anak. Sa mga kuwento pa nga lang ni Janina eh may sa-demonyo na talaga ang ugali ng batang 'yon! Baka kung ano pang pagpapahiya ang gawin niya sa 'yo mamaya" singit ni papa na napailing-iling pa.

"Pa naman, wala ba kayong tiwala sa 'kin?" tumingin ako sa kaniya. "Hindi niya po ako kayang ipahiya sa sarili niyang party kasi parang sinira na lang rin niya 'yon kung nagkataon. Isa pa, kasama ko naman po si Dan tsaka 'yong mga kaibigan namin. Wala pong mangyayaring masama sa 'kin promise" itinaas ko pa ang isang kamay ko na parang namanata.

"Basta Ella, tawagan mo lang ako kapag may nangyari. Pupuntahan kita kaagad do'n tapos uupakan ko rin 'yong gago mong ex" wika ni Kuya Joaquin sa mataas na tono.

"Oo na kuya, chill ka lang okay?" hinawakan ko ang balikat niya saka ako tumawa.

"Takte, nangigigil ako sa mukha ng lalaking 'yon eh! Sarap balatan ng buhay!" napakuyom pa ng palad si Kuya Joaquin saka niya ako biglang niyakap. "Kung alam lang sana namin Ella na gano'n ang gagawin nang gagong 'yon sa'yo, hindi na dapat kami pumayag na ligawan ka niya eh" bakas sa boses niya ang pagkaawa sa 'kin.

Sobrang suwerte ko dahil sa likod ng mga nangyari, meron akong pamilya at mga kaibigan na pilit inintindi ang sitwasyon ko. Ni minsan hindi nila ipinamukha sa 'kin na kasalanan ko kung bakit 'yon nangyari, they even consoled me at pilit nilang pinapagaan ang pakiram ko.

"Tapos na kuya, wala na tayong magagawa. Isa pa wala namang ni isa sa atin na ginusto 'yong nangyari" humiwalay ako sa kaniya. Sakto namang nakarinig ako ng busina sa labas.

"Andiyan na ata si Dan" tumayo ako at kinuha ko ang bag ko. "Ma, Pa aalis na po ako"

"Mag iingat ka anak, mag text ka agad pag nandoon ka na" bilin ni mama.

"Sige po" naglakad ako palabas ng bahay. Nakita ko si Dan na kasalukuyang naka-suot lang rin ng casual wear. Naka sandal siya sa gilid ng kotse niya.

"Ate!" napalingon ako kay sa pinto at nakita si Zach.

"Ano 'yon—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

Noong una nabigla ako kasi hindi niya naman ugaling yakapin ako ng ganito, madalas kasi badtrip kami sa isa't-isa. Nakakatuwa lang isipin na yakap-yakap niya ako ngayon.

"Kahit na palagi kitang inaasar ate mahal na mahal kita. Kung puwede ko lang tanggalin 'yang sakit na nararamdaman mo gagawin ko kaso hindi puwede" humiwalay siya sa 'kin. "Ate you are beautiful, sorry kung palagi kitang sinasabihan ng panget. Hindi totoo 'yon, ang tanga lang ni Chris dahil pinakawalan pa niya ang isang tulad mo. He's a dick, fuck him"

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon