(WISHES)
***CHRIS
"Everybody listen to me!" malakas kong sinigaw dahilan para ituon sa 'kin ng mga nagti-training ang mga pansin nila.
Kasalukuyan akong naka-
tayo sa harapan ng head quarters kasama si Nico, ang kambal and shockingly, si Dan.Akala ko pagkatapos ng mga nangyari kakalas na siya dito sa Lion Vortex kaya nagulat ako ng pumunta siya dito para makipag-participate sa mga training na kasalukuyang nangyayari.
But he only acknowledge my existence kapag within the vicinity kami ng gang. Maybe because I am the number one—the president to be exact and I have much higher hierarchy than he is.
Hindi na rin pinagpatuloy ni Kara ang pagpasok niya dito sa school dahil mas lalo nang lumalaki ang baby bump niya and she won't be able to hide it anymore, she would be undergoing home schooling. Hindi ko na rin alam kung paano siya makakapagmodel at that state, lalo pa't walang dapat na makaalam sa kalagayan niya—it will brought her career into hiatus kung sakali.
Pero ang sobrang nagpalungkot sa 'kin ay pati sina Nico at ang kambal, naging malamig na rin. We do talk pero civil na lang. Hindi na katulad dati na halos magpatayan na kami sa pagbabato ng mga biro sa isa't-isa.
Kahit kasi sila hindi alam 'yong rason kung bakit ko ginawa ang mga bagay na 'yon, I know they feel betrayed lalo pa't sila ang unang nakaalam na may gusto na ako kay Ella—and Ella has also became an important part of their lives lalo pa't kaibigan nila 'to. Kahit pa hindi nila sabihin, alam kong may galit sila sa 'kin dahil ang labas ng lahat dahil niloko ko sila. Pero ito lang ang paraan para hindi mailagay sa alanganin ang mga kaibigan naming babae, ang anak ko at ang pinakamahalagang babae sa buhay ko.
Marahil nakikipag-usap na lang sila sa 'kin dahil pinanghahawakan pa rin nila 'yong mga pinag-samahan namin simula bata at ang tungkulin nila sa gang na 'to.
Marami nang nasakripisyo dahil sa naging desisyon ko. Ang tiwala ng mga taong malapit sa 'kin, ang mga kaibigan ko—pati ang babaeng sobra kong minahal sinaktan ko para lang hindi siya madamay sa kung ano mang problema na dulot ko.
Pasensiya ka na shy monster ko kung nasaktan kita, it's better this way kesa mailagay sa panganib ang buhay mo. Dahil mas kakayanin ko pang makita kang umiiyak kesa makita kang naka himlay sa kabaong.
"We got a call from Elixir gang saying that the Death Scorpions are again abducting their gang members after being silent for almost a month. Nasabi na naman namin sa inyo kung ano ang ginagawa nila sa mga kinukuha nila hindi ba?" napatango-tango silang lahat at nagsimulang makipag-usap sa mga katabi nila.
I cleared my throat.
"May nakuha na kaming lead kung saan sila kumukuta ngayon at mamayang gabi rin, we are planing to have a surprise attack. Gusto kong maging handa kayo sa lahat ng mga pupuwedeng mangyari. Bilang miyembro ng gang na 'to, you are holding a huge responsibility. We have to do our best dahil nasa atin nakasalalay ang buhay ng mga hawak nilang tao ngayon" dugtong ko.
"8:00 pm, gusto naming magkita-kita tayo sa mismong lugar na 'to sa eksaktong oras na 'yan. Don't be late because we are not going to waste time, buhay at kaligtasan ng mga hawak nilang tao nakasalalay sa atin" wika ni Nico.
"Wear black from head to toe dahil madali tayong makakapagblend sa dilim with those and that will be a huge advantage for us" si Tyron.
"It's also better if you wear combat boots and light fabric para madali kayong makagalaw. Agility, strength and flexibility will took a great part in this fight kaya dapat paghandaan niyo ang mga 'yon" dugtong ni Tyson.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)