(BATTLE CRY PART 3)
***CHRIS
Agad kaming tumakbo pababa para makita kung saan nanggaling ang malakas na pagputok. My heart started to pump fast. Ayaw kong maniwala na si Nico----si Nico...darn! I can't even say it!
Pagkarating namin do'n ay kapwa kami natuod sa nakita.
Nakadapa na si Rupert sa sahig with the person I least expected to see behind him----samantalang si Nico naman ay naka-ngisi pang tumingin kay Rupert.
"Kingina mong kabayo ka, babarilin mo pa ako ha?!" sinipa niya si Rupert sa ulo sala niya ito inambahan ng suntok.
Ngunit hindi sa kaniya nakasentro ang atensyon ko, kundi sa lalaking nakikipagtitigan sa 'kin ngayon.
"Dan?" I asked out of confusion.
Bakit siya nandito? Akala ko ba naiwan siya sa America? A-and how does he knew about this?
Ngumisi siya.
"Anong gulo na naman ba 'to Chris ha? Anong kamalasan ba talaga 'yong nakadikit sa pagkatao mo na sa lahat na lang ng pagkakataon na makasama mo si Ella may nangyayaring masama sa kaniya?" he coldly asked saka niya ipinatong sa balikat niya ang isang kahoy na baseball bat.
Napayuko ako dahil sa kahihiyan, hindi ako naka-imik.
Tama siya, this is all my fault.
"Siguro nagtataka kayong lahat kung paano ako nakapunta dito, well I'll tell you everything" naglakad siya papalapit sa 'min nina Tyron at Tyson, sumunod sa kaniya si Nico. "Ilang oras bago umalis si Ella, lumipad na rin ako kaagad pauwi dito sa Pilipinas para sundan siya. His grand father was very worried that something might have happen to her, kaya niya ako pinasunod dito----and it turns out na nagkatotoo nga. Pagkalapag na pagkalapag ko dito sa Pilipinas, I recieved a call from Janina" paliwanag niya.
"May lolo si Ella?" takang tanong ko. I never knew he has one----sinabi kasi niya sa 'kin no'n na patay na lahat ng grand parents niya.
"Oo, and he's a multi-billionaire" he grined. "Mukhang mas mayaman pa pala si Ella sa ating lima ngayon"
The four of us was left speechless-nagsimula na rin akong magkaroon ng mga haka-haka. Bakit tinago lahat ni Ella ang mga 'to sa 'kin? Doesn't she trust me?
"And Ella, doesn't know even a single detail about it. Nalaman na lang namin nang makarating na kami sa America kaya wag na kayong magtaka" dugtong pa niya.
Then it hit me, now I understand.
"Sabi ko na talaga Chris eh, may kakaiba talaga kay Ella" bulong ni Nico saka niya ako inakbayan. "Then how were you able to enter on the main door without making any commotion? Wag mong sabihin na nag-America ka lang naging ninja ka na?" muli niyang tanong kay Dan.
"Una sa lahat, walang ninja sa America. Are you stupid?" napailing-iling siya. "I used this to enter" may dinukot siya sa bulsa ng suot niyang camo-pants na isang maliit na bote. Napakunot noo ako?
"You poisoned them?!" Tyson exclaimed.
"Gago!" iritadong wika ni Dan. "Pinatulog ko lang sila 'no!"
I sighed.
"Enough of this talk, we have to go now immediately. Saka na tayo mag-usap-usap kapag naligtas na natin sina Ella" nagsimula na akong maglakad pasulong. I felt all of them following me.
"Teka lang, may kukunin pa ako" wika ni Nico dahilan para mapatigil kami. Nilingon ko siya saka takng sinundan ng tingin.
Mabilis siyang naglakad papunta kay Rupert na kasalukuyang walang malay saka niya kinuha ang 45 na nasa kamay nito. Bago siya lumayo do'n ay muli pa niya itong tinadyakan sa likod.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)