KBANG (Chapter 89)

39 4 0
                                    

(LAST RESORT)
***

DAN

Halos malaglag ang panga ko nang makita ko si Ella na marahang naglalakad sa mahabang staircase ng bahay ni lolo Arthur.

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa malaking sala ng bahay nila habang pinagmamasdan siya.

She was wearing a white synthetic winter coat fur partnered with a long wavy silver turtle neck dress that extended up to her lower knees. Naka suot rin siya ng kulay itim na winter boots at kulay puting beret. Nakalugay ang mahaba't alon-alon niyang buhok na bumagay sa buong kasuotan niya.

This girl over here is the most beautiful girl I had ever met. At siya ang babaeng sinayang ni Chris, ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya.

The dramatic lighting of the house created a dream like aura in her, everything about her glittered.

The luxurious cloth that wrapped her nakedness made her look like a royalty. Kahit pa naman no'ng hindi pa ganito ka-garbo ang mga sinusuot niya----nangingibabaw na talaga 'yong ganda niya. And she's not just pretty, matalino rin siya at maprinsipyong tao.

She's also wise about all of her life decisions. But love made her the opposite, dahil sa naging desisyon niyang mahalin si Chris----her heart broke.

Sa totoo lang, wala na akong personal grudge kay Chris ngayon kung tutuusin. Naging magkaibigan pa rin kami afterall at may mga pinagsamahan na rin. Hindi ko man alam kung ano ang rason kung bakit nagawang lokohin ni Chris si Ella, nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya dahil siya ang nagligtas kay Ella mula sa Dean na 'yon.

Umalis kami ni Ella sa Pilipinas na hindi siya nakakausap, pero sa tingin ko mas okay na rin 'yon para makapag-focus na sila sa sari-sarili nilang mga buhay.

Si Chris kay Kara at sa magiging anak nila at si Ella----nakakatawa mang isipin pero sa 'kin at sa pamilya niya.

Kahit na pakiramdam ko, ginamit ko 'yong karupukan niya ngayon para payagan niya akong ligawan siya----wala akong pinagsisisihan dahil atleast ngayon, nakikita ko na siyang ngumingiti at tumatawa.

Both of them has been close to my heart. Kahit pa sa maikling panahon na nagkakilala kami ni Chris, I felt brotherhood to him. Hindi man masyadong naging maganda 'yong nangyari sa pagitan namin dahil kay Ella, itinuring ko pa rin siyang kaibigan at kapatid kagaya nila Nico at ng kambal.

Iyon nga lang, mas lamang ang pagmamahal na nararamdaman ko kay Ella because I have a different genre of love when it comes to her. Siya ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. Alam kong hindi pa nabubuo 'yong matibay na pundasyon ng pagmamahal niya sa 'kin pero handa akong maghintay at magsumikap para makuha ng bagay na 'yon.

Napangiti ako ng tuluyan na siyang makababa, she did the same which made my heart skip a beat.

Iba talaga ang tama ng babaeng 'to sa 'kin, kaya ko siya nagustuhan.

"Sabi ni lolo kumain na raw muna tayo bago lumabas" wika ko saka ko kinuha ang kaliwang kamay niya. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid saka siya tumingin sa 'kin.

"Wala ba si lolo?" takang tanong niya.

"Well, he's gone to work. Sabi niya may aasikasuhin daw siya sa business niyo eh, sabihin ko na lang daw sa 'yo pagkagising mo kasi ayaw ka niyang istorbohin" paliwanag ko. "Let's go eat then? Hindi pa rin kasi ako nakakapag breakfast eh, hinintay pa kitang gumising para sabay tayo" her cheecks turned a bit red then she gasped. Sabay kaming naglakad sa malawak na hallway papunta sa kusina.

"Hindi mo na sana ako hinintay, baka gutumin ka lang dahil sa 'kin loko" concerened na suhestiyon niya saka niya inilibot ang paningin sa nilalakaran namin.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon