KBANG (Chapter 56)

46 3 0
                                    

(REMMEMBRANCE)
***

ELLA

"Besh, kami 'yong tumulong sa paglalagay ng mga flower petals do'n ah!" wika ni Margot habang masaya kaming kumakain dito sa balcony nila Dan. Last day na namin ngayon dito sa kanila, maya-maya ay uuwi na rin kami pabalik sa maynila.

Iyong nangyari kagabi ang pinakamasayang pagkakataon ng buhay ko. Biruin mong magkakaboyfriend ako dahil sa bakasyon na 'to? Napailing-iling ako saka ngumiti.

"Oo na Margot, ilang beses mo nang nasabi 'yan eh" biro ko sabay kagat sa kinakain kong hotdog.

"Sinasabi ko lang kasi you know? Hindi na kami nagpakita kagabi sa inyo, siyempre solo moment niyo 'yon eh. Gusto ko lang na hindi mo makalimutan na naging part kami no'ng romantic proposal na 'yon 'no?" buwelta niya saka biglang kinilig.

"Saka 'yong mga boys? Tamang bigay lang sila ng bulaklak, kami talaga 'yong napagod doon sa plano ni Chris. Pero in fairness, simple lang siya pero ang romantic" dugtong ni Janina saka nangalumbaba.

"Pero Ella ha, pansin ko lang. Marupok ka talaga sa mga singers 'no?" singit naman ni Amanda na tinignan pa ako ng mapang-asar.

"Grabe naman 'yong marupok besh, slight lang" nagtawanan kaming apat.

"Pero alam niyo?" napalingon kami kay Janina. "Feeling ko nagwawala na 'yong si Kara sa bahay nila ngayon. Noong natunugan kasi nila na plano nang magpropose ni Chris sa 'yo agad silang nag empake ng mga gamit nila. Sabi noong mga kaibigan niya titignan na raw nila 'yong assets na pinuntahan talaga nila dito. As far as I know, na broken hearted lang 'yon kaya nagdahilan na lang" uminom siya sa tsaang iniinom niya. "Tea? Mainit-init pa" pa-sassy pang dagdag niya saka tumawa.

Napaisip ako. Posible nga na gano'n ang nangyari dahil alam kong patay na patay si Kara kay Chris. Sure akong nasaktan siya ng todo, hindi ko tuloy mapigilang malungkot para sa kaniya.

"Good for her, buwisit na spoiled brat. Para maranasan niya naman na hindi makuha 'yong gusto niya kahit na ngayon lang 'no" umirap pa si Margot.

"Pero guys, napansin ko lang. If babalik tayo sa school-knowing na pasukan na ulit sa isang araw, hindi kaya magpakalat 'yon ng kung ano-anong kuwento tungkol kay Ella? We all know na nasa kaniya lahat ng simpatya ng tao, paano kung siraan niya si Ella dahil sa inggit?" ani Amanda na may halong pag-aalala.

Hindi nga malayong mangyari 'yong ganong bagay. Pero sa halos dalawang araw na nagsama kami dito, pakiramdam ko naman bumait na siya ng kaunti.

"Iyon pa nga 'yong isa kong problema sa babaeng pakwan na 'yon. Ang galing niyang mag-panggap na mabait sa harap ng maraming tao, 'yon naman pala maysa-demonyo siya" si Margot.

"Takot lang nila kay Chris 'no! Sa tingin niyo hahayaan lang ni Chris na siraan nila 'tong kaibigan natin ng ganoon-ganoon lang? Tapos idagdag mo pa si Dan na handang gawin lahat para sa babaeng 'to?" siniko ako ni Janina.

Napabuntong hininga ako.

"Alam niyo guys? Let's just hope for the best na lang. Kung gagawa man siya ng kahit na anong bagay na makakasira sa akin at least alam niyo kung ano 'yong totoo" ngumiti ako sa kanila. "Hindi naman ako kailangang paniwalaan ng maraming tao dahil marami naman akong kaibigan na alam kong hindi ako huhusgahan"

"Ay na touch ako doon besh, Margot pengeng tissue. Iiyak lang ako ng slight" biro ni Janina saka kunwari ay maiiyak na.

"Pero hindi nga, seryoso. Salamat talaga mga besh kasi nandiyan kayo palagi para supportahan ako sa lahat ng bagay" wika ko saka ko sila isa-isang tinignan.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon