KBANG (Chapter 84)

40 3 1
                                    

(ESCAPE FROM THE PAIN PART 2)
***

(WARNING! SPG SCENE AHEAD!)

ELLA

Bago kami tumuloy sa airport, sandali muna kaming nag-usap ng pamilya ko. Hindi ko man alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit gusto akong ipadala ni mama doon, kailangan ko pa ring gawin ang bagay na 'to dahil alam kong makakabuti ito para sa 'kin.

Tanging ang mga kaibigan ko lang ang may alam na aalis kaming dalawa ni Dan ngayon, at sa tingin ko naghigintay na sila sa airport.

Kasalukuyan kaming naka-sakay ni Dan sa taxi, pareho kaming tahimik pero alam kong masaya siya dahil sa mga nangyari kanina.

Magkahawak ang mga kamay namin ni Dan. Nakaramdam akong kaunting panghihinyang tungkol sa amin ni Chris pero wala na akong magagawa. Ngayon, kailagan ko na lang sanayin ang sarili ko na sa mga susunod na araw ng buhay ko----ibang lalaki na ang hahawak sa mga kamay ko. At alam kong balang araw, mahahanap ko rin ang saya dito.

"Malapit na tayo sa airport Ella" Dan basag ni Dan sa katahimikan na hindi ako tinatapunan ng tingin. "Habang hindi pa tayo nakakasakay sa eroplano, tatangungin na kita" tumingin siya sa 'kin.

"Sigurado ka na ba talagang tutuloy tayo?"

Napakagat ako sa labi ko. Alam kong oo ang sagot ko sa tanong niya pero hindi pa rin nawawala ang pagdadalawang-isip na nararamdaman ko.

Napatanaw ako sa bintana para magisip-isip ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na kotseng tumatakbo papunta sa kabilang direksyon.

K-kotse ba ni Chris 'yon?

"Okay ka lang ba Ella? You're not answering my question" ibinalik ko ng tingin ko kay Dan saka ako nagpakawala ng isang matipid na ngiti.

"Okay lang ako Dan, wag kang mag-alala" sagot ko. "At siguradong-sugurado na ako"

Inalis ko na lang sa utak ko ang tungkol sa nakita ko kanina. Siguro kamukha lang 'yon ng kotse ni Chris, hindi lang naman siya ang taong may gano'ng kotse.

Bahagyang humigpit ang pagkakawak ni Dan sa kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya, tinignan niya ako ng malamlam.

"Alam kong iniisip mo ang tungkol sa kaniya Ella" bumuntong hininga siya. "I know it will sound selfish but please forget about him, hindi para sa 'kin kundi para sa 'yo. Ayoko nang makita kang nasasaktan dahil pati ako nasasaktan. Lalayo tayo para matakasan natin lahat ng masasamang ala-alang nabuo sa lugar na 'to. Aalis tayo para unti-unti nang mawala ang ala-ala mo sa taong nanakit sa 'yo" binitawan niya ang kamay ko saka niya hinawakan ang magkabilaang balikat ko.

"At higit sa lahat, aalis tayo para bumuo ng panibagong ala-ala na siaiguraduhin kong mapupuno ng kasiyahan"

***

"Besh, ma-mimiss kita. Wag ka na lang kayang umalis? Ikaw rin Dan, wag na lang kayong umalis" naluluhang paki-usap ni Janina saka niya ako niyakap. Humagikgik ako ng mahina saka ko marahang hinahod ng likod niya.

"Oo nga Ella, hindi ka na ba talaga papipigil? Puwede pa naman sigurong maayos ang lahat 'di ba?" singit ni Margot. Napatango-tango naman si Amanda pero kita rin sa mga mata nila ang lungkot.

Nginitian ko sila.

"Alam ko naman 'yon eh" panimula ko. "Kaso hinding-hindi mawawala 'yong posibilidad na mas lalo lang lumala amg lahat. Pupunta ako sa lugar na 'yon para maka-limot, saka hindi naman ako titira doon habang buhay eh" paliwanag ko.

"K-kahit na besh, ilang taon kang mags-stay do'n kaya mami-miss ka namin ng sobra. Kahit na palagi tayong maguusap sa phone, iba pa rin 'y-yong nandito ka talaga" pahikbi-hikbing wika ni Janina saka siya humiwalay sa 'kin. Yumakap siya kay Nico.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon