(ESCAPE FROM THE PAIN)
***ELLA
"Naayos mo na ba lahat ng mga gamit mo anak? Naghihintay na si Dan sa baba" malakas na wika ni mama pagkatapos niyang kumatok.
Napabuntonghininga ako.
"Susunod na po ako sa baba ma, mauna na po kayo do'n"
Isinarado ko ang kulay gray kong maleta na naglalaman ng mga damit at kung ano-ano pang mga personal na gamit.
America.
Hindi ko akalain na mapupuntahan ko ang lugar na 'yon and I'm staying there for good. Sabi ni mama mags-stay daw muna ako sa kamag-anak nila do'n, kasama si Dan. Sa totoo lang wala silang nakuwento ni papa na may kamag-anak pala sila sa lugar na 'yon. At hindi ko rin alam kung saang lumapalop ng mundo sila naghanap ng pangbayad ng plane ticket.
No'ng una, nagdalawang isip pa akong um-oo. Bukod kasi sa culture shock na mararanasan ko at sa mahal ng plane ticket at iba pang mga gasustusin do'n—nandito rin lahat ng mga kaibigan ko, pamilya ko at pinakahuli, si Chris.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya sinabi ang mga katagang 'yon habang buhat niya ako. Halos isang linggo na rin pala ang nakakaraan ng mangyari 'yong bagay na 'yon.
Nalaman ko na lang mula kina Nico na naka-kulong na pala si Alfred dahil sa ginawa niya, buti na lang hindi kumalat 'yong issue about sa ginawa niya sa 'kin.
Nitong mga nakaraang araw binabangungot pa rin ako dahil sa nangyaring 'yon. Regular rin akong bumibisita sa isang psychiatrist para unti-unti kong makalimutan ang trauma na inabot ko sa kamay ng lalaking 'yon.
Inilibot ko ang pangingin ko sa buong kuwarto, napangiti ako ng mapait.
Ma-mimiss ko ang lugar na 'to.
Nahagip ng mata ko ang dalawang stuff toy na naka display sa study table ko. Mabagal akong naglakad papunta sa mga 'yon saka ko sila kinuha at niyakap.
"Gusto na kitang kalimutan Chris pero dahil sa mga sinabi mo habang buhat mo 'ko, nagkaroon ako ng pag-asa na may chance pa tayong dalawa. But I have learned my lesson, hindi na ako basta-basta maniniwala sa 'yo. Aaminin kong mahal na mahal pa rin kita, habang buhay ka ng mananatili sa puso ko dahil ikaw ng kauna-unahang lalaki na minahal ko. Pero sapat nang minsan mo akong nasaktan, sapat ng ilang gabi kitang iniyakan" unti-unting lumabas ang mga luha sa mata ko.
"Aalis na ako Chris. Hindi ko man alam kung ano ang mangyayari sa 'kin sa pupuntahan ko, alam kong balang araw unti-unti rin kitang makakalimutan. Isa pa, kasama ko do'n ang isang lalaki na kahit na kailan hindi ako iniwan. Noong mga panahong umiiyak ako, palagi siyang nandiyan para yakapin ako at hayaang umiyak sa dibdib niya. Ikaw dapat 'yon Chris eh, ikaw dapat 'yong lalaking nagpapatahan sa 'kin kapag umiiyak ako. Kaso ikaw ang dahilan kung bakit lumuluha ako"
"Tama na, hindi ko na kayang masaktan pa. Hindi ako sanay sa ganitong klase ng sakit, hindi ko na kayang magtiis pa. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ka Chris. Siguro nga pagkakataon na rin para bigyan ko ng chance si Dan na ipakita sa 'kin kung gaano niya ako kamahal dahil deserve niya 'yon"
"Sayang, mahal na mahal pa man din kita. Kaso wala na akong magagawa pa" pinunasan ko ang mga luha ko saka ako naglakad pabalik sa higaan ko.
Inayos ko ang sarili ko. Naglagay ako ng kaunting foundation sa mukha saka inayos ang buhok ko.
"Ella" biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Dan na naka suot ng isang simpleng grey sweatshirt, black ripped jeans at brown boots.
Ang guwapo talaga ng lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Fiksi Remaja"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)