KBANG (Chapter 65)

38 2 0
                                    

(REASONS)
***

BENEDICT

"Damn it!" inis kong ibinato ang bote ng beer na iniinom ko sa kung saan dahil sa galit.

Tumawag sa 'kin sina Rupert kanina, sinabi nila na mukhang madadali na pala nila si Chris. Pero ng tumawag sila ulit, sasabihin niya lang na nawalan siya ng malay at natakasan sila?! Bullshit.

Kung hindi lang talaga dumating ang mga tanginang pulis na 'yon noong nagkaroon kami ng pagkakataon para mabihag ang Chris na 'yon, mas lalo ko pa sana siyang napahirapan!

Minasahe ko ang ulo ko saka huminga ng malalim.

Kasalukuyan kaming nasa abandonadong building na nasa gitna ng masukal na lupain. Ito ang hideout ng Death Scorpions at dito namin pinahihirapan lahat ng mga miyembro ng mga gangs na ayaw sumunod sa mga gusto naming mangyari.

May hindi hihigit sa dalawampung gang members ang naka tayo ngayon sa harapan ko para magbantay.

"Boss, nandito na sila" bungad ni Mark saka itinuro ang paparating na si Rupert at ang dalawa niyang kasama. Napuno ako ng galit sa sandaling tumayo silang tatlo sa harapan ko.

Kinuha ko ang baseball bat na nasa tabi ng kinauupuan ko at inis na sumugod sa kanila.

"Bobo! Mga bobo kayo!" galit kong sigaw saka ko hinampas ng baseball bat si Rupert sa legs.

Napaluhod siya sa sakit pero nanatili siyang tahimik.

Walang karapatan na umangal o magsalita ang kung sino mang gumawa ng katangahan sa gang ko, that's mg rule. I'm the leader and I can do anything, hindi sila puwedeng magreklamo o masaktan hanggat hindi ko sinasabi.

Dugo't pawis ang ginugol ko para mabuo ang gang na 'to kaya walang lugar dito ang kung sino mang gumawa ng katangahan.

"Mga wala kayong kuwenta!" sigaw ko saka ko sila isa-isang tinignan. "Lasing na nga nabugbog at natakasan pa kayo ng ganiyan? Anong klaseng kokote ba ang meron kayo ha?!" hinampas ko ang lalaking katabi ni Rupert. Katulad niya ay napaluhod lang rin siya pero hindi siya gumawa ng kahit na anong ingay.

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga kilala ng mga kasama niyang 'to. Baka bagong member na pinasok ng kung sino—wala naman palang ibubuga, tangina talaga. At wala ring dahilan para kilalanin ko sila.

Napabuntong hininga ako saka ko inilahad ang kamay ko kay Mark, agad naman niyang inabot ang nasilabang sigarilyo. Hinithit ko 'yon saka ako lumapit kay Rupert. Isinukbit ko sa balikat ko ang hawak kong baseball bat saka ko pinihit paharap sa 'kin ang mukha niya.

"Simula bata pa lang tayo, kaibigan na kita. At alam mo kung anong klase ng pagpapahiya ang ginagawa ng putang inang Chris na 'yon sa 'tin hindi ba?" blanko lang siyang tumango. Pansin na rin amg panginginig ng katawan niya dahil sa ginawa kong pag-hampas sa kaniya. Napangisi ako. "Sa maraming beses na nakasama natin ang lalaking 'yon, walang pagkakataon na hindi tayo nagkakaroon ng pasa. Ngayon mo sabihin sa 'kin kung pa'no nakalusot 'yon sa 'yo!" malakas kong sinampal ang pisngi niya dahilan para mabaling 'siya pakanan.

"B-boss, m-may kasama siya boss. S-siya 'y-yong nangbatok sa 'kin ng malakas kaya nawalan ako ng mala—"

"Eh tatlo kayong mga gago, lasing si Chris at iisang tao lang 'yong nagpatulog sa 'yo. Aba't kung dadapuan nga naman kayo ng kamalasan magpapalusot pa kayo?" tumawa ako ng sarkastiko. "Ang sabihin niyo mga wala talaga kayong kuwenta!" tumayo ako saka ko sinipa sa tiyan ang isa pa niyang kasama na naka-tayo. Sa sobrang lakas no'n ay napahiga siya sa maduming sahig at napaubo-ubo.

Takot na napatingin si Rupert sa kaniya at nanginginig na nagsalita.

"P-please boss, patawarin mo na kami boss. H-hindi na po mauulit" pagmamakaawa niya saka siya malamlam na tumingin sa 'kin. Napatango-tango lang ako saka muling humuthit ng sigarilyo.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon