(THE GIFT)
***ELLA
Sana pagkatapos nito, maging ayos na rin ang lahat
Napapikit ako saka ako huminga ng malalim.
Ito na, makikita ko na siya ulit. Kaso nga lang, sa mismong pagkakataon rin na 'to—maiaanunsiyo na sa buong mundo na ikakasal na siya sa taong totoo niyang minahal.
At ako?
Tuluyan na akong malulugmok sa kawalan ng pag-asa't sobrang pagmamahal ko sa kaniya.
Kahit pa sobra niya akong sinaktan, I still wish for his happiness. Kahit na iniwanan niya ako sa ere, gusto ko pa ring maging masaya siya.
Naramdaman kong inakbayan ako ni Dan.
"Ella, wala pa tayo sa loob but you seem to have anxiety. Gusto mo umatras na lang tayo? We still have time, o kung hindi naman ako na lang mag-aabot sa kanila no'ng regalo mo" Dan looked at me full of concern.
I smiled.
"Okay lang ako Dan" I assured him. "Isa pa, nandito na tayo kaya hindi na tayo dapat pang umatras. Gusto kong iparamdam sa kaniya na kahit na anong mangyari, I wan't him to be happy. Gusto kong ipakita sa kaniya na pagkatapos ng lahat, okay na ako. Na kaya ko nang ngumiti kahit na deep inside nandoon pa rin 'yong sakit, at dahil 'yon sa isang tao na ginagawa ang lahat para gumaan ang pakiramdam ko. Salamat Dan"
Nagningning ang mga mata niya at unti-unting kumurba paitaas ang magkabilang dulo ng mga labi niya.
"Hindi mo ako kailangang pasalamatan Ella dahil responsibilidad ko 'yon sa 'yo bilang kaibigan. Isa pa, espesyal ka. And you deserve all the happiness in this world" binuksan niya ang pinto sa tabi niya saka siya lumabas. Naglakad siya papunta sa tapat ko saka niya binuksan 'yon.
"At dahil espesyal ka" inilahad niya ang kamay niya habang nakangiti. "Aalalayan kitang lumabas" napangiti na lang ako ako saka napailing-iling na tinaggap 'yon.
"Oo na, baliw ka talaga" biro ko sa kaniya.
Sa pangalawang pagkakataon, hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Pero ngayon, hindi na niya binitawan 'yon.
Tumingin siya sa 'kin na para bang humihingi siya ng permission. Ngumiti ako saka tumango-tango.
Wala naman akong dahilan para pigilan siyang gawin 'yon. Isa pa, siguro ito na rin 'yong first step para tuluyan ko nang makalimutan si Chris at kay Dan ko na maibaling ang atensyon ko.
Isang mahabang red carpet ang bumungad sa amin pagkabukas na pagkabukas ng malalaking gate ng habay nila. Rinig na rinig na rin mula dito ang malakas na music mula sa live band sa loob.
I felt goosebumps.
The same exact ambiance embraced me habang naglalakad kami papasok sa compound nila when I first came here.
"This way please" wika ng isang lalaki saka na nakasuot ng isang simpleng black suit. Walang imik namin siyang sinundan ni Dan.
Kasabay ng beat ng tugtugin mula sa live band sa loob ay ang unti-unting paglakas ng kabig ng dibdib ko.
Hindi ko kasi maiwasang isipin na ito na talaga 'to, at wala nang atrasan pa.
Pero handa na ba akong mas masaktan ulit habang naririnig kong sinasabi nila sa buong mundo na engaged na sila? May luha pa rin ba akong ilalabas kahit na halos isang linggo na rin akong umiiyak kapag isasauli ko na sa kaniya ang isang bagay na sobrang mahalaga sa 'kin?
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)