KBANG (Chapter 92)

47 4 0
                                    

(FEAR)
***

ELLA

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ng airport dito sa Pilipinas.

Sa loob ng ilang oras kong biyahe, wala akong ibang inisip kundi ang magiging reaksyon naming dalawa kapag nagkita na kami ulit. Kung paano ko siya yayakapin at kung paano niya ako ulit tatawaging shy monster ko.

Nanginginig ang buong kalamnan ko habang nakikipagsiksikan sa mga taong nakakasalubong ko. Iginala ko ang paningin ko para makahanap ng matinong madadaanan ng mahagip ng mata ko ang taong dahilan kung bakit ako umuwi dito.

Si Chris...

Hindi ko na napigilang mapaluha. Pagkatapos ng ilang buwan naming pagkakahiwalay, nandito na ulit kaming dalawa----magkakaroon na kami ng pagkakataon para magkasama.

Bigla siyang lumingon sa kinalalagyan ko at nagtama ang mga mata namin. Sa wakas, napagtanto kong hindi ako nanaginip. Totoo ang lahat ng 'to.

Bakas sa mukha niya ang saya sa likod ng luhang tumulo mula sa mga mata niya. Katulad ko kanina, hindi siya nakapagsalita. He was left stoned on the place he was standing.

Ngumiti ako saka ko isinugaw ang salitang matagal ko nang gustong sabihin.

"Kissing monster ko!"

Napakurap-kurap siya. He tried to speak but nothing came out of his mouth. Alam kong katulad ko, gulat din siya.

Akala ko, mahihirapan pa akong puntahan siya----pero nandito na siya ngayon. It was like we're really destined to meet at this very moment.

Sobrang saya ko, sobrang saya ko dahil sa wakas matutupad na 'yong bagay na gabi-gabi kong ipinagdarasal. Sinong mag-aakala na pagkatapos ng lahat ng mga pagkakataong umiiyak ako dahil sa sakit na naramdaman ko, darating din pala ang araw na 'to kung saan puwede na naming sabihin ulit na mahal na mahal kita sa isa't-isa?

Sa mismong araw na 'to, hindi lang maliliwanagan lahat ng mga katanungan ko-mapapatunayan ko rin sa lahat na love defies everything.

Akmang ihahakbang ko na ang mga paa ko ng biglang kumapal ang mga taong naglalakad sa paligid namin ni Chris. Sinubukan kong magpalinga-linga pero hindi ko siya makita.

"Chr—!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may kamay na tumakip sa ilong at labi ko. Sinubukan kong magpupumiglas pero bigla akong nanghina ng may kung anong nakakahilong bagay akong naamoy.

My world started to turn upside down, nagsimula na ring manlambot ang mga tuhod ko. Unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.

Mukhang hindi pa tapos maglaro ang tadhana.

CHRIS

Halos manghina na ako ng makapasok ako sa office ko. The thought of what happened a while ago kept on bugging me.

Nasan na si Ella? A-at ano ang ibig sabihin ng sulat na 'yon?

Tulala akong napaupo sa swivel chair ko, I was still holding the letter in my right hand.

Akala ko magiging okay na ng lahat, akala ko tapos na. Pero ano na naman ang nangyayari? Bakit kailangan nilang kunin si Ella?

My body is trembling halos hindi ko na nga rin napansing pumasok na pala si Nico at si Janina dito sa loob. Saka lang ako nahimasmasan ng hawakan ni Nico ng balikat ko saka siya nagsalita.

"Dude, akala ko ba pumunta ka ng America ngayon? And what's with that face? May nangyari ba?" he asked out of confusion.

Napalunok ako saka ako napatingin s kawalan.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon