KBANG (Chapter 57)

38 2 0
                                    

(NEWS)
***

ELLA

"Hanggang dito na lang kita maihahatid shy monster ko, marami pa kasi akong gagawin sa klase at sa gang eh" nakangiting wika ni Chris saka niya binitawan ang kamay ko.

Nasa hallway kami papasok sa building kung nasaan ang first subject ko. Ngumiti rin ako sa kaniya saka tumango-tango.

"Sige kissing monster ko, see you mamayang lunch"

"Ingat ka shy monster ko, papakasalan pa kita" banat niya saka ako kinindatan dahilan para mapairap ako.

Pero sa totoo lang kinilig talaga ako doon. The thought of marying him at 'yong makita ko siya sa tabi ko everytime na gigising ako gives me this very bright feeling.

"Ang dami mong alam" ngumiti ako. "Umalis ka na"

"Goodbye kiss ko?" nag pout pa siya saka itinuro ang pisngi niya.

"Upakan kita gusto mo?" ipinakita ko sa kaniya ang kamao ko, nasindak ata siya kasi napa-ayos siya ng tayo.

"Ang wild talaga ng Shy Monster ko" lumapit siya sa akin saka niya ako niyakap. "Maybe this hug will work" niyakap ko siya pabalik.

I never thought na ang isang nerdy gangster na may sobrang cold na personality ay kaya palang maging sweet at bubbly katulad ni Chris.

"Sige, alis na ako shy monster ko. I love you" humiwalay siya sa akin.

"I love you too" mas lalong lumawak ang ngiti niya dahil sa naging sagot ko. Unti-unti na siyang naglakad palayo saka kumaway sa akin. And I did the same.

Ganito pala 'yong feeling na may boyfriend ka, feeling mo safe na safe ka sa lahat ng bagay dahil alam mong may magtatanggol sa 'yo. Plus the fact na napapasaya ka niya ng sobra, para kang nasa cloud nine.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng campus kanina, pinagtitinginan kami ng mga tao. Siguro dahil magkaholding hands kami or kumalat na 'yong tsismis na kami na? Ewan.

Pero ang nakakatuwa lang, naka-ngiti silang lahat. Hindi tulad dati na parang ang baba baba ng tingin nila sa akin. Pakiramdam ko botong-boto sila sa aming dalawa ni Chris.

Pero hindi ko pa rin tinatanggal 'yong posibiladad na siguro, ganoon lang sila dahil takot sila sa puwedeng gawin ni Chris. Una sa lahat, president siya ng gang. Pangalawa, hindi biro 'yong impluwensiya niya. At pangatlo, masyado siyang sikat sa buong campus to the point na susundin nila lahat ng gusto niyang mangyari.

I sighed.

Pero wala na akong paki-alam pa kung ano ang isipin ng mga tao at kung boto ba sila sa akin o hindi, ang mahalaga ay mahal ko si Chris at papanindigan ko lahat ng mga bagay na nakalakip do'n.

"Besh!" naputol ang pagmumuni-muni ko ng may biglang tumawag sa akin. Napalingon ako doon at nakita si Janina na lakad-takbo papalapit sa akin.

"Oh Besh, ba't ka tumatakbo?" taka kong tanong. Hinihingak siyang humawak sa balikat ko saka siya nagsalita.

"Wala besh, trip ko lang" sagot niya saka siya humawak sa dibdib niya. "Siya nga pala, narinig ko kaninang pinaguusapan kayong dalawa ni Chris nang buong campus ah? Grabe besh, instant celebrity ang peg mo" nagsimula na kaming maglakad.

Napaismid ako.

"Eh ganoon din naman 'yong nangyari no'ng maging kayo ni Nico 'di ba?" buwelta ko saka tumawa ng mahina.

"Eh basta, masaya ako para sa 'yo besh" sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

***

"Bilisan niyo kaya diyan mga besh? Kanina pa ako naghihintay dito sa labas oh, kulang na lang maghawak ako ng batuta dito lady guard na talaga ako" wika ni Margot sa labas ng classroom namin.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon