KBANG (Chapter 33)

69 5 4
                                    

(SHE'S MINE)
***

ELLA

"Besh dalian mo! Nako kailangan mong makita 'to!" bigla akong hinila ni Margot palabas ng classroom.

"Mamaya na Margot, may ginagawa pa ako eh" inagaw ko pabalik anf kamay ko sa kaniya saka ako naglakad papasok sa classroom.

Ilang araw kong iniwasan si Chris. Hindi ko kasi alam kung tama bang mahulog ang loob ko sa taong hindi ko naman sobrang kilala, at isa pa alam naman ng lahat kung anong klaseng lalaki siya at kung saan pamilya siya naggaling. Samantalang ako, isang average looking na babaeng galing sa pamilyang may average income lang sa isang taon.

Isa pa, kahit saang aspeto naman talaga tignan hindi kami bagay. Kung magiging malapit ako sa kaniya, mas lalo akong iju-judge ng mga taong nasa paligid namin.

Naisip ko, hindi pa naman ganoon kalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya kaya may posibiladad na mawala pa 'yon—ngunit sa bawat pagkakataong inililihis ko ang tingin ko sa kaniya kapag nagkakatitigan kami at sa tuwing nakikita kong nakalingkis sa kaniya si Kara ay para akong nawawalan ng gana at nanghihina.

Madalas tanongin ni Dan kung may sakit ba ako o kung okay lang ako kasi dahil do'n, pero pilit kong sinasabi na wala lang 'yon.

Hanggang sa isang araw ay bigla akong hinila ni Chris sa isang tagong pasilyo saka niya ako kinulong sa mga kamay niya. At nasabi ko ang mga bagay na kinatatakutan kong malaman niya...

FLASHBACK

"Kasi natatakot akong baka totoo ngang mahal na kita!" malakas kong sigaw "Natatakot ako na tanggapin sa sarili ko na mahal na kita kasi baka lokohin mo lang ako!"

Gulat siyang tumingin sa akin saka niya ako pinakawalan, maski ako nagulat ako sa mga sinabi ko kaya napatakip ako sa mga labi ko.

Napahilamos siya sa mukha niya saka niya ako malamlam na tinignan. Ngayon ko lang nakita ang ganoong emosyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung masaya ba siya o malungkot o galit, hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nararamdamn niya.

Bigla siyang naglakad palayo ng hindi man lang nag bitiw ni isang salita. Napahawak ako sa dibdib ko saka naupo.

Ano bang nagawa ko?

PRESENT

Pagkatapos ng tagpong 'yon ay siya naman ang umiwas sa akin. Ilang araw ko siyang hindi nakita, ni anino niya ay hindi ko mahagilap.

Siguro nga infatuated lang siya sa akin kaya niya nasabi 'yong mga binitawan niyang salita sa party, baka pagkatapos kong umamin sa kaniya na realized niyang hindi deserve ng isang taong katulad niya ang kagaya ko.

"Ella naman eh! Saglit lang 'to promise. After nito mag t-thank you ka talaga sa akin ng bonggang-bongga" ngumuso pa siya saka siya lumingkis sa kamay ko.

"Hoy kayong dalawa diyan, share naman kayo sa 'min dali!" lumabas na rin si Amanda at si Janina mula sa loob ng classroom.

"Ayan tamang-tama! Mga besh, tulungan niyo nga akong i-persuade 'tong babaeng 'to na sumama sa akin. Mabilis lang naman eh tapos sama na rin kayo"

Napabuntong hininga ako saka ako inis na tumingin sa kaniya.

"Fine" nag crossed arms ako. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta makikita mo rin naman mamaya" sagot niya. "Kaya tara na mga besh!" dugtong niya saka niya ako hinatak para maglakad.

Siguraduhin lang talaga ng babaeng 'to na importante talaga 'yong pupuntahan namin dahil kung hindi—

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon