(TORN)
***ELLA
Nakangiti ako habang naka-tingin sa kisame ng kuwarto ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan 'yong tungkol sa date namin ni Dan kanina.
After namin mag ice skate, namasyal naman kami sa park at kumain sa kung saan-saan, pinatikim niya sa 'kin 'yong mga masasarap na delicacies sa lugar na 'to at kung ano-ano pa.
I'm sure hinding-hindi ko makakalimutan ang unang date namin.
Itinaas ko ang kanang kamay ko kung saan naka-lagay ang bracelet na ibinigay ni Dan. Hinarang ko ang kamay ko sa ilaw saka ko pinagmasdan ang pala-pulsuhan ko.
I smiled.
Tama nga 'yong sabi nila na kapag may isang umaalis, may isang darating. But in my case, matagal na siyang dumating----sa iba ko nga lang naibaling ang atensyon ko.
Mahal ko na ba si Dan? Siguro oo. Pero sa ngayon, mas matimbang pa rin talaga sa puso ko si Chris. But I know someday, matututo rin akong mahalin ng buong-buo ang lalaking kasama ko ngayon.
Tumayo ako saka ako naglakad papunta sa may make up table ko. Naupo ako sa tapat no'n saka ko pinagmasdan ang sarili ko.
I saw smile in it.
Sa wakas, kaya ko nang ngumiti ng genuine ngayon. Hindi katulad dati, I'm just faking everything para hindi isipin ng lahat na mahina ako at iyakin. I want them to see na kahit may pinagdaraanan ako, kaya ko 'yong malutas ng mag-isa because I'm strong.
Kinuha ko ang suklay saka ko marahang sinuklay ang mahaba kong buhok. Napatingin ako sa mamahaling night gown na suot ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na darating ang araw na makakapag-suot ako at mabubuhay sa karangyaan. Na galing pala ako sa isang mayamang pamilya and I do have the power to do what I want.
Pero hindi ako magiging kalad ng mga matapobreng mayaman na ginagamit 'yong kapangyarihan nila para tapakan ang ibang tao.
A month from now, lilipad na rin sila mama papunta dito. Sinabi ko na sa kanila lahat ng napag-usapan namin ni lolo. Sinabi ko na rin sa kanila na gusto nang maayos ni lolo ang lahat ng gusot sa pagitan nila. Gusto ring humingi ng tawad ni lolo kay papa tungkol sa humiliation at pangmamaliit na ginawa niya dito.
Hanggang ngayon, hindi pa rin alam nina Zach at kuya Joaquin ang tungkol dito. Basta ang alam lang nila, may kamag-anak sila mama na puwedeng lipatan dito sa America.
Napabuntong hininga ako.
Hanggang ngayon kasi nagdadalwang isip ako kung sasabihin ko ba kina Janina, Margot at Amanda ang tungkol dito. Siguro wag na lang muna. Darating din 'yong tamang panahon para malaman nila ang tungkol dito.
Ilang saglit lang ay biglang tumunog ang phone ko. Agad ko 'yong kinuha mula sa bedside table saka ako naglakad papunta sa veranda. Naupo ako sa isang malaking couch na naka harap sa labas saka ko binuksan ang phone ko.
Si Janina pala, nag chat sa 'kin.
In-open ko ang chat heads na nag pop saka ko tinignan kung ano ang message niya.
JANINA : besh, check mo 'to. Trending kasi sa twitter eh
Pinindot ko 'yong link na sinend niya and it automatically directed me to twitter.
Isang video ang naka-lagay do'n na ini-upload ni KM, napakunot noo pa ako ng makita 'yong initials. Tinignan ko 'yong icon niya but it has no picture, anonymous silhouette lang 'yong nanduon. The video already has a million of views and more than 100k retweets.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)