KBANG (Chapter 96)

45 3 0
                                    

(BATTLE CRY PART 2)
***

CHRIS

"Sige na Chris, pumasok na tayo sa loob. We'll take care of this assholes kung magkaaberya man" bulong ni Nico. Tumango-tango ako saka ako maingat na naglakad.

Nakabuntot sa 'kin ang tatlo habang binabagtas ko ang daan papunta sa pinto ng abandonadong building. Katulad dati ay may mga naka-bantay ulit na mga lalaki sa labas, ang kaibahan nga lang ay may mga suot silang bonet at triple na rin ang bilang nila. Kapansin-pansin din ang mga malalaking baril na bitbit nila.

Balot ng makapal na dahon ang lupa kaya maingat naming binagtas 'yon para hindi kami makagawa ng kahit na anong ingay. May tiwala ako sa kakayahan ko at sa kakayahan ng mga kaibigan ko pero hindi ibig sabihin no'n na kailangan na naming magpasiguro----nasa panganib pa rin ang mga buhay namin ngayon so we have to be careful.

"Chris tignan mo 'yon" tinapik ako ni Tyron saka niya itinuro ang isang bukas na bintanang nasa gilid ng gusali. Naka-kubli 'yon sa likod ng isang malagong damo, pero walang kahit na sinong nagbabantay sa kanila. Nilingon ko sila saka ako nagsalita.

"We'll change routes, doon na tayo maglalakad. I'm pretty sure they left it unattended, mas madali tayong makakapasok sa loob kapag doon tayo dadaan"

Nagsitanguan sila.

Naglakad kami pakaliwa at siniguradong hindi kami mapapansin ng mga bantay. Malimit kasi silang naglalakad-lakad at sinisiguradong walang kahit na sinong makakapasok sa main door, pero ang mali nila----hindi nila tinignan kung mayroon pa bang madadaanan papunta sa loob.

Masyado sigurong nakampante si Benedict na basta-basta ko na lang isusuko ang sarili ko sa kaniya. Kahit kailan talaga napakabobo niya. Kung tuso siya, magiging tuso rin ako.

We'll get out of this building with Ella and Kara without surrendering myself to them, makakalabas kami dito ng walang kahit na isa sa aming mamatay.

Nang makarating kami do'n ay agad naming tinulungan ang isa't isa para makaakyat. Una ako, sumunod si Nico, si Tyron at si Tyson.

As we expected, the ground floor was also left unattended. Katulad dati ay madilim ito at walang kahit na anong ilaw. Umalingaw-ngaw sa buong lugar ang katahimikan.

The same silence that whispers death, biglang umusbong ng kaba sa buong sistema 'ko.

"Tara na—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang nagliwanag ang buong kapaligiran. Napalingon kami sa likod namin.

Nakita ko si Rupert, mala-demonyo siyang naka-ngisi habang kampanteng naka-tayo sa likod ng nasa dalawampong alakdan na nasa likod niya. But unlike those who we're guarding the front door, wala silang hawak na mga baril. Matatabang bakal na tubo ang hawak nila.

"Akala mo ba Chris mauutakan mo kami? Naisip na namin na gagawin niyo 'yan" tumawa siya. "How's my little surprise for you? Na-sorpresa ka ba?"

Ngumisi ako saka ko isa-isang tinignan ang mga kasama ko, katulad ko ay kampante silang nagkibit balikat.

"Sa mukha mo bang kabayo o sa bigla niyong pagsindi ng ilaw?" I sarcastically asked. "Kase kung 'yon nga, hindi kami na-sorpresa. What a shame, trying hard ka pa rin katulad ng dati Rupert"

His grin turned into anger.

"Bugbugin niyo na sila!" inis na sigaw niya saka niya kami itinuro.

We did our fighting stance.

"AHHHH!" sabay-sabay nilang sigaw saka sila sumugod papunta sa 'min. Dalawa sa kanila ang sinubukan akong hampasin ng hawak nila sa katawan ngunit agad akong umupo sa sahig para umilag.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon