KBANG (Chapter 74)

29 2 0
                                    

(UNDERGROUND BATTLE)
***

CHRIS

"Make sure to secure your spy cameras, darpat walang makakita sa mga 'yan kundi bulilyaso ang plano natin" huli kong wika saka ko isinuot ang bonet sa ulo ko. Ganoon din ang ginawa nilang lahat.

It's already 8:30 pm, 8:00 pm ang call time namin but Dan is still not in here. Ilang minuto na ang nasayang dahil sa paghihintay namin sa kaniya, bumuntong hininga ako saka ko inilibot ang paningin ko sa paligid to check if someone is coming. Pero walang nangyari.

"Chris, wala pa rin si Dan. Kanina ko pa siya tinatawagan pero naka patay ang phone niya. I'm afraid na baka may masama nang nangyari sa mga hawak ni Benedict kung ipagpapatuloy pa rin ang paghihintay natin kay Dan" bulong ni Nico.

Bumuntong hininga ako.

Ganoon din naman ang iniisip ko, kung tutuusin kaya naman naming umusad kahit na wala siya. Kaso nga lang, he's number five and no one will lead his team kung hindi namin siya hihintayin.

"Sa loob natin pag-usapan ang bagay na 'to" I commanded full of authority. Mabilis kaming pumasok sa loob ng head quarters.

"But who'll lead Dan's team kung aalis na tayo kaagad?" Tyron broke the silence.

"Edi ako, tinatanong pa ba 'yan?" mayabang na sabat ni Tyson saka siya maangas na tumango-tango.

"Hindi kami nakikipaglokohan sa 'yo Tyson, this is a serious matter so please be serious" inis na tugon ni Tyron sa kapatid saka siya masamang tumingin sa kapatid niya.

"I'm serious though"

"As if naman kung kakayanin mo nga?" napaililing si Nico. "Two teams pagsasamahin? No way" dugtong niya.

Tama si Nico, we can't let his team merge with any of our teams. Dahil malaking gulo 'yon pag nagkataon lalo pa't may mga naka assign nang gagawin ang bawat isa.

But I have to make a decision bago pa mahuli ang lahat.

"We have no choice but to change our plans" napapikit ako. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko but I have to make a move or else...

"Sigurado ka ba Chris? Pinaghandaan natin 'to ng ilang buwan tapos papalitan natin last minute? That's suicide!" kontra ni Nico.

"It's better to take the risk than stand here all night long right?" seryoso ko siyang tinignan. "Bawat minutong nasasayang, mas lumalaki 'yong porsyentong malagay sa panaganib 'yong buhay nang mga hawak nila! It's our responsibility to help them kahit na hindi natin sila miyembro dahil sa atin sila umaasa! Wala ka bang tiwala sa 'kin ha?!" asik ko.

Napakagat labi ako.

Dati kasi, hindi niya ako kinokontra sa lahat ng mga sinasabi ko. He always agrees with me kaya nagulat ako ng kinontra niya ako.

"Dati meron, pero ngayon Chris hindi ko alam" nag iwas siya ng tingin saka niya tinaggal ang suot niyang bonet. "Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari hindi na ako magugulat kung baka pati kami pinaglalaruan mo na lang pala" parang napantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya.

"N-Nico, you shouldn't have said that"
Bakas ang pagkagulat sa mukha ng kambal ng marinig nila ang sinabi ni Nico.

Mapait akong ngumiti sa kanila saka ako yumuko.

Hindi ako nakahanap ng kahit na anong salita na sasabihin ko sa kaniya. Tama nga ako, pinipilit na lang talaga nila akong pakisamahan kahit na may galit sila sa 'kin. Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit nagbago ang tingin nila sa 'kin.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon