KBANG (Chapter 79)

36 3 0
                                    

(SAVED BY HIM PART 2)
***

CHRIS

"Go save her scholarship Pepsi, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nila mom pero pakiramdam ko talaga sinasadya nilang gawin ang bagay na 'yon"

"Malakas rin ang kutob ko na maghahanap sila ng butas, o gagawa ng dirty tricks para magkaroon sila ng dahilan para mapatalsik siya dito at mailayo sa 'yo. Alam nilang lahat na napipilitan ka lang na magpakasal kay Kara and they'll do anything para mawala ang hesitations mo"

"We can't also deny the fact na may kinalaman na naman dito 'yong baliw na fiancé mo. Naawa na 'ko sa estudyante ko Pepsi, masyado na siyang nasaktan sa mga nangyari-tapos madadagdagan pa nito. She's a good person, she doesn't deserve to be treated like this"

I shook my head saka ako lumabas ng office ko.

Sa totoo lang nakaramdam ako ng galit at inis ng marinig ko 'yon mula kay ate. Those people, gagawin talaga nila ang lahat para makuha ang gusto nila. Hindi ko alam kung tao pa nga ba talaga sila.

Mom...

Hindi ko na rin alam kung anak pa ba ang turing niya sa 'kin or she really made me into a living puppet to fulfill everything she wanted.

Hindi pa ba sapat sa kaniya na panagutan ko at pakasalan si Kara? Aren't those sacrifices enough para tumigil na sila sa mga ginagawa nila?

Halos masipa ko na ang mga bato sa dinadaanan ko dahil sa inis nang bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.

Damn!

Mabilis akong naglakad papunta sa office ni Alfred. May kung ano kasi akong nararamdaman na hindi maganda, pakiramdam ko may mangyayaring masama.

I just let my insticts invade my whole existence hanggang sa marating ko ang office ni Alfred.

Pinihit ko ang knob but it was locked.

"Alfred! Alfred! Buksan mo 'to! We have to talk!"

Kumatok ako ng kumatok but no one seem to answer me, nakalimutan kong sound proof nga pala ang building na 'to.

Inis akong naglakad papunta sa katabing salamin saka sinilip kung may tao ba sa loob. But the window was covered with blinds kaya wala akong ibang nakita-ngunit napansin ko ang maliit na siwang sa pagitan ng hamba ng bintana at ng blinds.

Inilapit ko ang mata ko sa mumunting butas no 'yon at nagulantang sa nakikita ko.

"ELLA!" I was horrified by what I saw.

Alfred is trying to rape Ella!

Agad akong nagpunta sa pintuan at paulit-ulit na pinihit ang knob but nothing happened. Due to fear, anger and frustration ay paulit-ulit kong sinipa ang pinto perp katulad ng nauna, wala pa ring nangyayari.

"No...no... Bumukas ka!" halos suntukin ko ng ang pintuan dahil sa inis.

I can't just let him do that to my Shy Monster, pagbabayaran niya ang lahat ng 'yon!

Balisa kong inilibot ang paningin ko, and there I saw a wooden chair not far from where I am standing. Mabilis akong tumakbo papunta do'n and grabbed it.

Isang malakas na paghampas ang ginawa ko sa knob causing it to fall to the ground.

The door automatically oppened.

"Putang ina mo! Bakit mo ginawa 'to sa kaniya?!" agad kong sinugod ng suntok si Alfred causing him to fall to the ground.

I was trembling with anger, lahat ncdugo sa katawan ko ay napunta sa mukha ko.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon