KBANG (Chapter 48)

42 2 0
                                    

(HITCHHIKER PART 2)
***

Mulat na mulat ang mga mata ko. Parang biglang nawala ang antok ko at napalitan ng inis ng makita si Kara na nakangiti kay Chris.

"Nasira kasi 'yong car na ginamit namin nina Kylie and Cloe eh. We are going to Isabela sana kasi we are looking for possible assets we can buy there kaso like what I said, nasira 'yong car. I wonder kung puwede akong maki-sakay? You are going din naman sa Isabela 'di ba? Full na kasi 'yong car ni Dan because of our baggages eh. That's if, okay lang kay Ella?" nag pout pa siya saka tumingin sa akin.

Hala! Bakit ako ang tinatanong niya about do'n? Kotse ko ba 'to?

Tumingin sa akin si Chris na parang nagtatanong. Dis-oras na ng gabi at nandito kami ngayon sa kakahuyan Naka-suot si Kara ng off sholders na sobra baba ng neck line at isang ripped jeans na pinarisan niya ng transparent boots.

Kung ganiyan ang hitsura niya dito, hindi malayong may mangyaring masama sa kaniya.

"Ako? Okay lang naman sa akin eh. Isa pa si Chris dapat ang tanungin mo kasi siya ang may ari ng kotse" naka ngiti kong paliwanag.

"Sakay na" maikling wika ni Chris saka sisnarado ang bintana ng kotse niya. Umikot si Kara sa katapat kong bintana saka siya kumatok. Binuksan ko ang bintana saka siya tinanong.

"Ano 'yon Kara?"

"I have motion sickness kasi, okay lang ba sa 'yo na sa back seat ka na lang?"

"Kara just get on the back—"

"Okay lang Chris, sige sa likod na lang ako sasakay" labag man sa loob ko ay bumaba ako saka madaling sumakay sa backseat.

Masayang sumakay si Kara sa harapan saka inilabas ang phone niya para i-check ang mukha niya.

Tinignan muna ako ni Chris mula sa rearview mirror bago niya ini-start ulit ang kotse. Nginitian ko siya at nginitian naman niya ako pabalik.

Nadaanan nga namin ang kotse ni Kara at ang driver niya sa labas na may kausap sa telepono.

Ano naman kaya ang problema ng sasakyan niya? Tumirik? Flat?

"Are you going on a vacation ba there Chris? If that so, can I come with you na lang? I mean with my friends, I'm sure it will be a lot of fun" tuwang-tuwang wika ni Kara saka humawak sa balikat ni Chris.

"Hindi ako ang dapat mong tanungin diyan, you should tell Dan. At puwede ba? Stop touching me" irritableng tinaggal ni Chris ang kamay ni Kara sa balikat niya saka siya muling tumingin sa akin mula sa rear view mirror. Nag-iwas ako ng tingin saka nagpanggap na naka tanaw sa labas ng kotse.

Lahat ng antok na nararamdaman ko ay naglaho, napalitan 'yon ng inis at pagkadismaya na hindi ko na lang pinahalata.

Bakit pa kasi dito pa siya sumakay? Puwede namang kila Nico, or sa kambal? Pero kung susumamuhin, mas okay na sigurong dito na lang siya. Baka kasi hindi matiis ng mga kaibigan ko ang prisensiya niya't baka kalbo na siya bago pa makarating doon.

Ilang saglit pay ay biglang nag vibrate ang cellphone ko. Napatingin ako doon at nakita ang notification sa group chat namin nina Janina.

JANINA: @Janella Ruiz, anong eksena diyan kanina? Bakit kayo tumigil? May nadaanan kaming kotse, nakita niyo rin ba?

Napatingin ako kay Kara na nakikipag-usap kay Chris, ngunit parang walang paki-alam sa kaniya ang lalaki.

Kotse ni Kara 'yon, nasiraan daw kaya nakisakay siya dito. Iisang lugar lang naman daw 'yong pupuntahan natin eh

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon