(REGRETS)
***CHRIS
"Tita Joaquilin! Please open the gate! I'm begging you!" halos sirain ko na ang gate ng bahay nila Ella para matawag ang mga magulang niya.
My whole body is covered with sweat, kanina pa ako umiiyak pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumitigil.
Halos maggagabi na rin, kanina pa ako sumisigaw pero wala pa ring lumalabas na kahit na sino sa kanila. Alam kong nagtanim sila ng galit dahil sa mga nangyari, and I'm ready to explain everything to them.
Susundan ko siya sa lugar na 'yon at iuuwi dito. Kung alam ko lang sana kung saan lupalop siya ng America tutuloy, kanina ko pa siya sinundan do'n.
"Tita Joaquilin! P-parang awa mo na! Sabihin niyo sa 'kin kung nasaan si Ella! Please..." isinandal ko ng ulo ko sa gate nila hahabang naka hawak ang pareho kong kamay sa mga grills nito. "M-mahal na mahal ko siya, sabihin niyo na sa 'kin please. H-handa akong magpaliwanag, handa akong tanggapin lahat ng consequences ng mga 'to. Just please tell me where she is...n-nagmamakaawa ako" halos mapaupo na ako dahil sa panghihina.
Namamaos na rin ako kakasigaw but I won't stop until they open the door and tell me where Ella is, ang Shy Monster ko...
"Dude" naramdaman kong may humawak sa balikat ko. "Tara na, mukhang wala talaga silang balak na pagbuksan ka. Bumalik ka na lang sa ibang araw, hintayin mo munang kumalma ang lahat" Nico's tone was full of sadness.
Napailing-iling ako.
"Hindi, hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nalalaman kung saan siya nagpunta. Kailangan niyang malaman ang lahat, k-kailangan niyang malaman ang lahat" my voice broke.
Napahilamos ako sa mukha ko saka ako humagulgol.
The last time I cried like this was when mommyla died, hindi ko inaasahan na isang mahalagang tao at babae na naman sa buhay ko ang magiging dahilan nito.
"Kung alam ko lang sana kung nasaan si Ella Chris, sinabi ko na sa 'yo. Pero wala siyang sinabihan na kahit na sino sa 'min. Siya lang, si Dan at ang pamilya niya ang nakakaalam no'n. Sorry talaga" Janina said in a very convincing tone.
Napakagat ako sa labi ko saka 'ko marahas na sinipa ang gate nila.
"Tita Joaquilin! Tito! Please open up! Sabihin niyo sa 'kin kung nasaan si Ella!" I screamed on top of my lungs.
"Tara na Dude----"
"Wala ka ba talagang balak na tumigil ikaw na gago ka?!" biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Zach at si Kuya Joaquin. Zach's face was full of anger while kuya Joaquin's filled with sadness
There, I saw hope na kahit kaunting impormasyon lang ay makakakuha ako mula sa kanila.
Agad kong pinunasan ang mukha ko saka ako nagsalita.
"Parang awa niyo na, mahal na mahal ko si Ella. S-sabihin niyo naman sa 'kin kung nasan siya o?"
"Kapal rin talaga ng mukha mong humingi ng pabor pagkatapos mong gaguhin ang ate ko eh no?!" galit na sigaw ni Zach.
Napapikit ako saka ako muling napaluha.
"Alam kong marami akong nagawang kasalanan sa kapatid mo, sinaktan ko siya without saying the truth to her. Pero handa na akong magpaliwanag sa kaniya ngayon, handa akong gawin ang lahat para lang malaman ko kung nasaan siya. Nagmamakaawa ako sa inyo, I love her so much and I badly wanna see her" muli ay napayuko ako saka ako humagulgol.
"Tangina! Sana naisip mo 'yan bago mo sinaktan ang ate ko! Hindi ba binalaan ka na namin no'n pa? Nagtiwala kami sa 'yo tapos sisirain mo lang? Baliw ka ba?" sarkastiko siyang tumawa. "Sana inisip mo muna 'yong posibleng maging bunga ng lahat ng 'to Chris. Sana tinimbang mo muna sa puso mo kung mahal na mahal mo nga ba talaga ang ate ko bago mo siya lokohin. Alam mo ba kung gaano siya nasaktan dahil sa mga ginawa mo? Pinahiya mo siya sa harap ng naraming tao Chris! At inisip nila na isa siyang putang inang mukhang pera at malandi kahit na wala namang katotohanan! Sana man lang pinagtanggol mo siya! Sana inisip mo kung paano makakapekto sa kaniya ang lahat. Gabi-gabi siyang umiiyak, paulit-ulit niyang sinasabi 'yong walang kuwenta mong pangalan at kung gaano ka niya ka-mahal" may tig-isang luha na tumulo mula sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)