KBANG (Chapter 62)

41 2 0
                                    

(LIES)
***

CHRIS

"Chris, please. Mag cool down ka muna, baka hindi mo matansiya 'yong galit mo may magawa kang pagsisisihan mo" pigil ni Nico sa 'kin saka niya hinila ang kamay ko.

"Hindi ko na alam e!" napaupo na lang ako sa hallway ng hospital dahil sa pagod. "Hindi ko alam na a-abot sa ganito 'yong obsession sa 'kin ni Kara" hindi ko na naman mapigilang maluha nang bumalik sa utak ko lahat ng mga sinabi ni Ella.

"Chris, hindi ngayon 'yong tamang oras para gawin mo 'yan. Isa pa, wala ka namang evidensiya na siya nga ang nagpakalat no'n. You could hurt Kara—"

"Then I'll do it kung 'yon lang ang paraan para mapatunayan ko sa inyong lahat kung ano ang katotohanan!" sigaw ko sa kaniya. "That video was trimmed, hindi ko alam kung sino ang kumuha no'n or who was the motherfucking uploader. Pero sigurado akong siya ang kaisa-isang gumawa no'n"

"Tell me what really happened" naupo siya sa tabi ko saka siya sumandal sa pader katulad ko.

"I was alone inside my office when she suddenly came, bigla niya akong hinalikan for no reason. Of course I was shoked at nanlaban ako sa kaniya but she held me really tight, so I used all my force to get away from her. Pagkatapos sinimulan niyang isumbat sa 'kin 'yong tungkol sa putang inang engagent na 'yan!" napahilamos ako sa mukha ko saka pinunasan ang luha ko.

"You mean hindi mo nasabi kay Ella 'yong tungkol sa engagement mo?" nanlaki ang mata niya. "You should've told her Chris! Halos mabaliw na 'yong tao kakaisip na pinaglaruan mo lang siya!"

"I tried okay? Sinubukan ko naman pero hindi ko talaga kaya" inis akong napasabunot sa buhok ko. "Baka kasi kapag nalaman niya 'yong tungkol doon mas lalo siyang magalit sa 'kun. Isa pa, hindi ko naman talaga balak na tumupad sa engagement na 'yon. I would do all cost just to get away with that shit!"

"And how about the video where you are both naked? Alam mo bang iniisip ng buong university na may nangyari sa inyo ni Kara? The fact na mas kinampihan nila si Kara because of her influence, nagmukhang masama si Ella sa harap ng maraming tao! They thought she was a slut, a gold digger. Kaibigan ko na rin siya and it made me angry knowing everything that had happened for a short span of time!" asik ni Nico.

Napailing ako.

Ganito na pala kalala ang sitwasyon nang wala akong kaalam-alam. Hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang lahat.

Parang tinatarak ng libo-libong punyal ang puso ko habang ini-imagine ang mga nangyari kay Ella. The thought of her being humilliated in front of many people made me so much in pain. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng nangyari. Nakokonsensiya ako.

"Iyong magkatabi kami, I was drunk at hindi ako aware sa mga nangyari. Basta nagising na lang ako sa kuwarto ng condo ko with her. Hindi ko alam kung paano niya kami nakuhanan ng footage"

"Naniniwala na ako sa 'yo" napalingon ako sa kaniya. Hinawakan niya ang balikat ko saka siya muling nagsalita "Kaya bago pa mahuli ang lahat, ayusin na natin ang issue na 'to"

KARA

Napangiti ako habang nakaupo sa gazeebo ng mansyon namin. It's already pitch black and the cold night breeze made my hair dance with it.

I scrolled my phone, nakakatuwa namang basahin ang mga comments ng tao sa video naming dalawa ni Chris. Halos lahat, puro pambabash kay Ella.

"Oh my God, I really ship this couple. They look so good together!"

"Mas okay pa sila, hindi naman talaga deserve ni Ella si Chris e. She's just a slut!"

"Gold digger talaga 'yang Ella na 'yan, remmember na nilandi niya ang big 4 ng Lion Vortex gang. And I heard kinaibigan niya rin si Danielle para sa pera. What a shame"

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon