KBANG (Chapter 93)

45 2 0
                                    

(FEAR PART 2)
***

CHRIS

Napailing-iling ako habang nakatingin sa kambal at kay Nico na kasalukuyang naka-upo ngayon sa gazebo na naka puwesto sa gitna ng pool namin. Nanghihina akong naupo sa isa sa mga upuan saka ako napahilamos sa mukha ko.

"Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin" hindi ko na napigilang maluha.

Hindi ko inasahan na sa mismong araw pala na muli kaming magkikita ni Ella ang siya ring araw na mangyayari 'to. Nanghihina na ang katawan ko kakaisip ng kung ano-anong paraan para ma-trace kung nasaan siya, pero ni isa sa mga 'yon ay walang kuwenta.

"Makakahanap rin tayo ng paraan dude" wika ni Nico saka niya paulit-ulit na nilapat ang palad niya sa batok ko. "Wag kang mag-alala"

"Sana ganon lang kadaling hindi mag-alala, sana ganon lang kadaling gawin 'yang sinasabi mo. Kasi bawat segundong pumapatak----mas lalong nadadagdagan 'yong takot ko eh, bawat oras na nasasayang mas lumalaki 'yong chance na may mangyayaring masama sa kaniya" tinanggal ko ang salamin ko saka ko pinunasan ang luha ko.

"Ano nang plano mo ngayon? Kung hindi si Kara ang kumuha sa kaniya, sino pa ang posibleng gumawa nito?" Tyson asked in a very concerned voice.

Nanatili akong tahimik.

Nothing came out of my mind, wala akong kahit na isang taong naiisip na puwedeng gawin ang bagay na 'to. Maliban na lang kay...

"Si Benedict!" malakas na wika ni Tyron. "Maraming dahilan si Benedict para gawin ang bagay na 'to Chris, bukod sa personal grudge niya sa 'yo at sa pamilya niyo----sampal sa pagkatao niya 'yong pagkatalo ng gang niya. Kaya posibleng kinuha niya si Ella para maka ganti sa 'yo!" para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

Tama siya, may malaking galit sa 'kin ang taong 'yon. Mukhang pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, wala pa rin talaga siyang balak na sumuko. And this time, alam na niya ang kahinaan ko. He kidnapped Ella because he knew that I can't be able to use my full capacity knowing that he has something against me!

"Ang dumi niya talagang mag-laro tang ina!" Nico exclaimed in realization. "Gagawin niya talaga ang lahat para maka-ganti sa 'tin!"

Agad kong kinuha ang salamin ko saka ako tumayo.

"Saan ka pupunta Chris?" kunot noong tanong ni Tyron. Malamig akong tumingin sa kaniya.

"Aalis na ako, pupuntahan ko 'yong putang inang hideout nila" napakuyom pa ako ng palad. Kung kanina ay natatakot ako, ngayon ay nagpupuyos na ako sa galit.

"You can't do this alone Chris, sasama kaming tatlo" pigil ni Tyson. Umiling-iling ako.

"Kaya ko 'to, hindi niyo na kailangang sumama" seryoso ko silang tinignan. "Ayokong madamay kayo sa bagay na 'to, it's my own fight this time. Ako lang ang kailangang lumaban and I can't afford to pull you into this something that you have nothing to deal with"

"Pero Chris, kaibigan ka namin. Kaibigan namin si Ella, labas man kami dito, kailangan naming tumulong!" asik ni Nico. "We're into this together, kaya sa ayaw at sa gusto mo----sasama kami" dugtong niya.

"Tama si Chris, hindi mo lang laban 'to----laban nating apat 'to. Four heads is still better than one, tama ako 'di ba?" Tyson grined.

"Palagi tayong salungat ng iniisip Tyson but I'm with you this time" pag sang ayon naman ni Tyron.

Sa sandaling 'yon ay pansamantalang gumaan ang pakiramdam ko. Seing these people in front of me giving their full support made me so much thankful, ano ba ang nagawa ko para magkaroon ng ganitong mga kaibigan?

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon