KBANG (Chapter 61)

40 2 0
                                    

(RUINED PART 3)
***

ELLA

"...sawang-sawa na akong umiyak, umalis ka na lang" tuluyan nang nabasag ang boses ko, 'di ko na rin napigilan ang sarili kong mapahilamos sa mukha ko.

"S-shy monster ko namam, h-hindi ko maintindin kung ano ang ibig mong sabihin. Please, tell me if there's something wrong. Hindi kita maintindihan" sinubukan niya ulit akong yakapin pero tinulak ko lang siya palayo.

"Tama na Chris! Wag mo na akong gawing tanga pa kasi alam ko na ang lahat! Kung sa tingin mo magpapauto na naman ako sa 'yo hindi na, hinding-hindi na!" asik ko sa pagitan ng mga paghikbi.

Nanatili siyang nakatayo, bakas ang pagkalito sa mukha niya. Nanginginig na rin siya at nangingilid na ang luha sa mga mata niya.

Ang galing, ang galing mo talaga Chris. Hanggang ngayon hindi ka pa rin pala tapos sa mga buwisit mong pag pakukunwari!

"Hindi ko talaga maintindihan shy monster ko, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit k-ka nag-kakaganiyan, sabihin mo na sa 'kin please. I'm begging you" napapikit siya saka niya pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya. "O-okay naman tayo kagabi hindi ba?"

"Oo, okay tayo kagabi dahil hindi ko pa alam na niloloko mo lang pala ako!" napahawi ako sa buhok ko. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya.

"W-what do you mean? Hindi kita niloloko, alam mong ikamamatay ko kapag nasaktan kita!"

"Stop exaggerating your words dahil sukang-suka na ako sa mga walang laman mong salita!" natahimik siya. "Akala ko Chris nabago na kita, akala ko mahal mo 'ko, akala ko hindi mo ako kayang saktan. Pero putang ina lang talaga, naniwala ako sa mga pakulo mong walang kuwenta" nanginginig na ang mga tuhod, napaupo ako.

"Ella—" akmang lalapit na siya sa 'kin pero pinigilan ko siya.

"Huwag mo akong hahawakan Chris parang awa mo na" unti-unti kong inipon lahat ng lakas ko paramakatayo ulit. Hindi dapat ako nagpapakita ng kahinaan ko sa isng walang kuwentang tao na katulad niya. "Ang galing mo rin talaga magpanggap para makuha ako eh 'no? Ang effort" napatango-tango ako. "Pero salamat ha? Salamat kasi kahit na hindi totoo ang lahat ng 'yon, atleast naranasan kong magkaroon ng isang boyfriend na nagmahal at nagpahalaga sa 'kin" pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko pero hindi tumigil 'yon. Bagkus, mas lalo lang tumulo ng ang mga luha ko.

"Walang palabas sa mga 'yon shy monster ko, totoo lahat ng 'yon. Please patawarin mo ako sa kung ano man ang nagawa ko. I l-love you, I really do. Just please shy monster ko, w-wag namang ganito" tuluyan na ring nabasag ang boses niya at umiyak. Lumuhod siya sa harapan ko saka niya hinawakan ang dulo ng blouse ko, tumingala siya sa 'kin.

This is the first time I saw him cry, he looked so weak and fragile. Para siyang batang nawawala at hindi alam kung saan pupunta—parang mas lalong nabasag ang puso ko seing him in that state.

Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya kahit pa ganito ang ginawa niya sa 'kin. Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ng sarili ko. Hindi na ako magpapaloko pa, I won't let him caught me off guard at paulit-ulit na pag laruan. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit minahal ko pa ang isang katulad niya. Dapat itinatak ko na sa utak ko dati na once a cassanova, always be a cassanova.

"Tama na Chris, pagod na ako. Tumayo ka na dahil wala nang patutunguhan pa ang pagluhod mo dahil alam ko na kung ano ang katotohanan" muli na namang nabasag ang boses ko.

"Shy monster ko, please..." sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko 'yon.

"Salamat Chris, salamat sa panandaliang saya, sa panandaliang kilig. Salamat dahil sa unang pagkakataon naranasan kong may lalaking nagmahal sa 'kin kahit na hindi pa totoo. Salamat kasi pinakita mo sa 'kin na may halaga ako sa mundo. Salamat kasi sinabi mo sa 'kin na ako ang nag-bigay ng liwanag sa buhay mo kahit na ibang tao naman pala ang tinutukoy mo" malamlam ko siyang tinignan.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon