KBANG (Chapter 81)

44 5 0
                                    

(OUR PAINFUL ENDING)
***

NATALIA

Napatukod ako sa lamisahan ng office ko saka ako nagpakawala ng magkakasunod na buntong hininga.

Halos wala ng tao sa buong university but I am still here thinking about everything that has happened.

Limang taon na...

Limang taon na pala ang nakakaraan pero nandito pa rin 'yong sakit sa puso ko. Hindi ko tuloy maiwasang tanungin sa sarili ko kung kasalanan ko ba ang lahat? Dapat ba binigyan ko siya ng pagkakataon at hindi na lang ako basta sumuko sa pagmamahalan naming dalawa?

Matatawag pa bang pag-ibig 'yon kung hindi mo kayang ipaglaban ang isang tao?

Naramdaman ko ang unti-unting paglabas ng mga luha sa mga mata ko. Akala ko naka-move on na 'ko, pero ang tanga ko dahil pati ang sarili ko nalinlang ko na rin—dahil ang totoo, hindi pa pala.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka ako tumayo, I grabed my bag saka ako mabilis na naglakad palabas ng building na kinalalagyan ko.

Magtatakipsilim na ng marating ko ang parking lot, pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay muli na naman akong naluha.

Napapikit ako saka ko itinukod ang ulo ko sa steering wheel.

Seing Alfred almost everyday here in my workplace hurts me so bad. We're civil kaya sinusibukan ko na lang ngumiti kapag nakikita ko siya-na hindi talaga mapipigilan dahil siya ang dean ng university na 'to.

Choice ko naman kung gusto ko nang umalis na lang sa lugar na 'to pero hindi ko isusuko 'yong tatlong taong binigay ni mommy para gawin ko 'yong passion ko sa pagtuturo para lang mapa-layo siya.

I pulled myself back together saka ako nagsimulang magdrive papunta sa police station kung saan siya nakadetain.

The day tired the hell out of me. From arranging board meetings para mapagusapan ng pribado kung ano ang ginawa niya and how to keep the issue from the students.

Hindi naman kasing magandang pakinggan na ang isang Dean na nilo-look up at iginagalang ng lahat ng nasa loob ng university ay magtatangakang gahasain ang isang scholar hindi ba?

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung anong nangyari. The world took a 360° turn, everything has changed.

Hindi na siya 'yong taong minahal ko.

Simula ng magdesisyon akong makipag-hiwalay sa kaniya, hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyari sa personal na buhay niya at wala rin naman akong balak para alamin ang lahat ng 'yon.

Kung kakalimutan ko siya, it's better to not keep in touch with him.

Pagkarating na pagkarating ko sa police station ay nakita ko pa si Chris na lumabas mula doon. His face was full of sadness, confusion and other sorts of negative emotion.

Hindi ko mapigilang malungkot. Pinagdadaanan niya ang lahat ng mga 'to dahil kay mommy, at sa babaeng baliw na baliw sa kaniya—Kara.

Hindi ko na siya tinangka pang kausapin because he has a lot of problems to deal with. Isa pa, may isang bagay akong ipinunta dito.

"Sorry ma'am tapos na po ang visiting hours ngayon. Kung gusto niyo po, bumalik na lang kayo bukas" wika ng police na nagbabantay ng mga detainee.

"Natalia Vergara" I coldly showed my ID saka ako muling nagsalita. "Name your price and I'll give it to you, kailangan kong makausap si Alfred Gonzales"

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon