KBANG (Chapter 40)

58 5 0
                                    

(WARNING)
***

ELLA

"Nako ah, kumukulo talaga ang dugo ko sa prof Alejandron na 'yan! Magpapa surprise exam tapos wala namang binigay na handouts? Lakas lang mambuwiset eh no? Buti na lang talaga medyo familiar ako sa topic, kung hindi lang talaga magwe-welga ako ng bonggang-bongga" inis na wika ni Janina saka sinakmal ang natitirang piraso ng sandwich niya.

"As if namang kung kaya mong mag welga, eh hanggang salita ka lang naman matapang loka-loka ka" kontra ko sa kaniya saka tumawa.

"Basta ako, go na go lang sa mga quizes namin kanina. My gosh, ang dadali!" mayabang naman na sabad ni Margot saka ngumisi.

"Baka madaling ibagsak?" kontra ni Amanda saka tumawa.

"Tama ka girl, madaling ibagsak. Madaling ibagsak 'yong prof mula sa top floor" napuno kami ng tawanan dahil sa palitan namin mga salita.

Mapatingin ako kay Amanda.

Habang tumatagal, mas kumo-konti na talaga 'yong tumatawag ng witch kaniya—umaangat na rin talaga 'yong self confidence niya. Diretso na rin siya magsalita saka may tunog na kapag tumatawa.

Samantalang si Dan, madalang ko na lang makita. Madalas nasa classroom lang siya at hindi lumalabas, kapag lunch naman hindi rin kami nagkakausap dahil agad din siyang umaalis pagkatapos naming magkamustahan. Pakiramdam ko tuloy sinasadya niya umiwas sa akin.

Iyong gano'ng klase ng set-up ang ikinatatakot ko na mangyari sa aming dalawa, pero hindi ko na 'yon mapipigilan pa dahil nangyayari na nga.

Kahit pa gusto ko na siyang lapitan at kausapin minsan, pinipigilan ko na lang 'yong sarili ko—alam kong nasaktan siya sa mga nangyari kaya kung desisyon niyang lumayo sa akin, igagalang ko na lang 'yon.

Pero sana hindi magtagal 'yon, kaibigan ko siya at nitong nakaraan na lang kami ulit nagkita. Hindi pa nga namin na susulit 'yong pangungulila namin sa isa't-isa tapos mangyayari pa 'to. Miss na miss ko na siya.

"Siya nga pala mga besh, kukunin ko lang 'yong libro ko sa may locker. Gagamitin ko kasi 'yon mamaya sa next na subject" tumayo ako.

"Sama na rin kami besh, may kukunin din kasi ako doon talaga" ani Janina saka nilagok ang juice niya.

Pati sa Amanda at Margot sumabay na rin kaya sabay-sabay kaming naglakad palabas ng cafeteria na nagtatawanan.

"Wew! Look whose passing by" biglang entrada ni Kylie na naka-upo sa isang table na malapit sa entrance, kasama niya sila Kara at si Cloe.

"Aba naman, kailangan pa ba talagang ipa-inform niyo sa lahat ng tao na naglalakad kami? Salamat naman sa inyo, na-appreciate ko promise" ngumuso pa si Margot saka mapang asar na ngumiti.

"May nagsasalita pa lang janitor fish?" sabad naman ni Cloe saka taas kilay na tumingin sa amin.

"Aba eh kailan pa natutung sumabad 'yong bukong may dalawang pompoms sa ulo?" buwelta ulit ni Margot na ngayon ay nakataas na ang kilay.

"Huwag mo nang patulan besh, umalis na lang tayo" bulong ni Janina. Saka niya kami hinila palayo.

Hindi na lang ako nag-salita, ayoko kasing masangkot na naman sa gulo. Lalo na sa buong grupo nila Kara.

"Wait lang Ella" napatigil ako sa paglalakad ng bigla akong tinawag ni Kara, sandali akong napalingon sa kaniya.

Binigyan niya ako ng isang mapaglarong ngiti.

"Nothing, I just wan't to tell you to be careful. Baka kasi may mangyari bigla, alam mo naman ang panahon ngayon—may mga tao talaga na gagawin ang lahat para mabawi sa iba kung ano ang sa kanila" binigyan niya ako ng isang seryosong titig.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon