KBANG (Chapter 12)

97 6 0
                                    

(THE PRANK PART 2)
***

ELLA

"Chris?" halos mapa-sigaw ako dahil sa inis.

Tama nga 'yong kutob ko kanina! Prank lang ang lahat! Prank pa na ginawa ng pinaka- kinaiinisan kong tao sa buong mundo!

"Ako nga?" napakunot noo siya. "Sino ba kasi 'yong inaasahan mong makita dito? Is there any problem?" maang-maangmaangan niyang tanong dahilan para mag-tangis ang mga bagang ko.

"Problema ba? Meron actually, sobrang laki nga eh—mga 5'11 ata" nagtaas ako ng kilay. "Basta, kasing laki mo. In short, ikaw ang problema ko!" inis konh sigaw.

Ano ba talagang balak na mangyari ng lalaking 'to? At talagang nagpanggap pa siyang Dean para lang maidala niya ako dito at mapagtripan?

Ang galing Chris Nicola Vergara, A+ ka sa 'king hinayupak ka!

Bigla siyang humalakhak but with the same blank expression, para siyang guwapong anghel na walang emosyon sa mukha—anghel? Hindi, hindi siya guwapo at lalong hindi siya anghel. Demonyo siya, demomyo!

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" mataray kong tanong. Tumingin naman siya ng diretso sa 'kin saka tumikhim.

"Wala naman" maikli niyang sagot.

Kumpirmado na, baliw si Chris Nicola Vergara.

Inirapan ko lang siya saka napahawak sa binti ko. Medyo masakit na kasi 'yon dahil sa bilis at haba ng nilakad namin kanina.

"Oh, why don't you take a seat?" pag o-offer niya sa 'kin saka tinuro ang isang kahoy na silyang nasa harap mismo ng table.

Awtomatiko namang tumayo sang isa sa kambal saka lumabas dala ang librong binabasa niya.

Napa-ismid ako.

"Diyan sa tabi mo? Sorry pero tatayo na lang ako" nag crossed arms ako saka puno ng pride na tumingin sa kaniya.

He shrugged.

"You know what? Concerned lang naman ako sa 'yo, baka kasi kung ano pang mangyari sa paa mo kung hindi nai-pahinga 'yan" ipinatong niya ang dalawang paa niya sa lamisahan saka niya pinag-unanan ang dalawang kamay niya.

Inirapan ko siya.

"Kung naisip mo sanang mapapagod ako, hindi mo na sana ginawa pa ang walang kuwentang prank na 'to in the first place" tugon ko sa kaniya saka tumalikod. "Lakas rin talaga ng sapak mo sa ulo eh 'no?" bulong ko pa saka magsimulang maglakad palabas.

Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pinto ay bigla ulit siyang nagsalita.

"Where do you think you're going?" napahinto ako saka ko siya nilingon, naka-tayo na siya.

"Hindi lang pala mahina 'yang mata mo eh 'no? Wala ka rin palang common sense. Hindi ba obvious na aalis ako?" bubuksan ko na sana ulit ang pinto ngunit biglang siyang naglakad papalapit sa 'kin saka niya hinila ang kamay ko.

"You're not going anywhere hanggat kinakausap pa kita" tinignan niya ako ng seryoso.

Ako ba sinindak niya?

"Aalis ako dahil gusto ko, at hindi ako mag s-stay dahil gusto mo! Kaya puwede ba? Bitiwan mo na ako!" asik ko saka ko ulit hinila ang kamay ko mula sa kaniya.

Tatalikuran ko na sana siya ngunit marahas niyang hinila ang kamay ko

"Sabi nang bit—!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang sumabit ang paa ko sa paa niya dahilan para mawalan kami ng balanse.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon