KBANG (Chapter 21)

81 5 0
                                    

(TROUBLE PART 3)
***

ELLA

Napamulagat ang dalawa kong mata saka napatingin kay Margot. Naka yuko lang siya habang nanginginig.

Bigla namang tumayo si Chris at napa hampas sa lamisahan.

"What the hell?" galit na sigaw ng lalaki saka napa-hilamos sa mukha niya.

"T-totoo lahat ng sinabi nila Trixie" tumingin si Margot sa 'kin. "N-nando'n ako Janella, nagtago ako sa likod ng mga sirang upuan kaya nakita ko kung ano ang totoong nangyari. Dahil nalaman mong may nakaraan si Trixie at si Chris, nagawa mong manakit. Napaka-brutal mo!" sagot ni Margot.

Hindi ako nakapagsalita, natuod ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makapaniwala na nagsisingungaling na naman siya! A-at ano namang ang makukuha niya pagkatapos niyang gawin 'to?

"Margot ano bang sinasabi mo! Alam mong h-hindi 'yan totoo!" sigaw ni Amanda. Kumapit ako sa kaniya at nangungusap na tumingin dito. Kumalma siya agad.

Tumingin sa akin si Tyron, tinanguan ko siya.

Mananaig pa rin kung ano ang totoo, kelan man hindi mananalo ang mga sinungaling na katulad nila.

"See? Hindi ba tama lahat ng sinasabi namin? Sinaktan niya 'ko, ang worst it might leave trauma on me! That girl deserves to leave this university right now!" maarteng sigaw ni Trixie.

Muli akong napaluha. Bakit? Bakit ba hindi sila magsabi ng totoo? Inaamin ko namang masama ang nagawa ko pero hindi ko 'yon sinasadya. Isa pa, sila lang rin ang nagpasimula ng lahat ng 'to.

"Sorry miss Curtis but we can't decide about it yet. Kailangang ipatawag ang parents ni miss Ruiz before settling everything" napakamot ang Dean sa noo niya. "Miss Ruiz, kailangang pumunta ng mga magulang mo dito bukas. They have to know about your misbehavior, let's see kung anong parusa ang puweseng ipapataw sa iyo. Lets just pray na hindi ganoon kalala ang—"

"Bakit ba napaka sinungaling niyo?" seryoso kong putol sa sinasabi ng Dean, tumingin ako kila Trixie. "Ano bang nagawa kong masama sa inyong tatlo—at sa 'yo Margot?" hinarap ko sila at tinignan isa-isa. Nanatiling tahimik si Margot habang ang mga kaibign ni Trixie ay naghagikgikan.

"Anong ginawa mong masama? Sinaktan mo lang naman ako despite of our good intention, tapos may lakas ng loob ka pang mag tanong? Isa pa, mang aagaw ka! Manunulot! Malandi!" maarteng sagot ni Trixie na umirap pa. Tinignan ko siya ng matalim pero hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng nga luha ko.

"Stop saying bulshit Trixie!" galit na sigaw ni Chris.

"Gusto ko lang namang mag aral ng maayos dito ah?"pinunasan ko ang luha ko. "Monteverde University, sobrang kilala. Pangarap ng lahat, lalo na ng mga mahirap na tulad kong gusto ng magandang edukasyon. Makapasok ka lang kasi dito, sorab sarap na sa pakiramdam. Kaya sinubukan naming mag-apply ng scholarship dito ng kaibigan ko, kaya no'ng pumasa na kami—sobrang saya ko. Pero hindi ko knaasahan na puno pala ng mga spoiled brat at sinungaling na tao ang university na 'to"

Ngumisi si misis Curtis.

"What now? Mag dradrama ka? Sinabi na mismo ng babae diyan sa tabi mo na kinuha ni Chris bilang testigo laban sa amin ang totoo. Why don't you just accept the reality?" wika ni Mrs Curtis na matapang na nakatingin sa akin.

"Isa ka pa!" tinignan ko siya ng masama. "Naturingan kang nanay pero kinukunsinti mo ang anak mo. Ang ang lakas pa talaga ng loob mong kuwestiyonin ang pagpapalaki ng mga magulang ko sa 'kin eh ni wala nga akong makitang bakas ng kabutihan sa anak mo"

"How dare you—!"

"Stop!" malakas na sigaw ni Chris. Napalingon kami sa kaniya, sa ikalawang pagkakataon—nagkasalubong ang mga mata namin. Katulad ng dati ay wala akong nakitang emosyon do'n.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon