KBANG (Chapter 91)

45 2 0
                                    

(UNITED)
***

Isiniksik niya ang ulo niya sa balikat ko saka siya umiyak ng umiyak. Naramdaman ko ang pagdiin ng yakap niya. His chest brushed against mine as his tears freely driped though my neck.

Umiyak na naman siya, umiiyak na naman siya ng dahil sa 'kin.

Hindi ko man siya tanungin, alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Alam kong napanuod na niya ang video ni Chris.

Naramdaman ko na lang ang sarili ko na sumasagot sa yakap niya, katulad niya ay nagpatuloy na lang ako sa pag-iyak ko.

I felt his pain. The pain that was caused by me.

"A-alam kong b-babalik ka na ulit sa kaniya Ella, p-pero kasi" humikbi siya. "Mahal na mahal rin kita e, alam ko naman na una pa lang malaki na 'yong chance na masasaktan ako kasi sinalo lang naman kita----kahit na hindi ka naman sa 'kin nahulog" humiwalay siya sa 'kin saka siya ngumiti ng mapait.

Sobrang sakit para sa 'kin na marinig 'yon mula sa kaniya. Iyong taong palaging nandiyan para sa 'kin, 'yong taong walang ginawa kundi pasayahin ako sa mga pagkakataong malungkot ako...at 'yong taong unti-unting hinihilom 'yong sugat ko-masasaktan ko ng ganito.

Napailing-iling ako saka ako yumuko. Nakita ko kung paano mahulog sa sahig ang sandamakmak na luha mula sa mga mata ko.

"S-sorry Dan, s-sorry talaga" sa pangatlong pagkakataon, wala akong magawa kundi ang humingi ng tawad sa kaniya.

"Wala ka namang kasalanan Ella eh" pinihit niya pataas ang mukha ko. Nakangiti siya pero 'yong mata niya, halatang nahihirapan at nasasaktan siya. "Ako ang may gusto nito, dapat handa akong masaktan. Hindi ko lang kasi talaga inaasahan na magiging ganito pala kasakit 'yong bagay na alam kong mangyayari na. Akala ko kasi tayo na Ella e, akala ko may chance nang maging tayo----iyong puwede ko nang masabi sa lahat na girlfriend na kita at nagmamahalan tayo? Sawa na kasi akong tawaging kaibigan mo lang eh, sawa na akong maging 'yong taong palaging sumasalo sa 'yo kapag may problema ka kahit na alam kong masasaktan din ako sa dulo"

Pinunasan niya ang luha niya pero hindi 'yon naging sapat para tumigil siya. He held my hands and sadly looked at me.

"Dan..."

"Binubuo ko na 'yong mga pangarap ko kasama ka Ella, binubuo ko na 'yong mga bagay na akala ko magpapasaya sa ating dalawa balang araw. Pero hindi ko pa naitatayo 'yong pundasyon no'n, hindi na pala tayo puwede" napasinghap siya. "Hindi namang masamang umasa 'di ba? Kaya umasa ako, umasa ako na balang araw makakalimutan mo siya at ako naman 'yong mamahalin mo pero siya pa rin talaga 'yong mas matimbang sa puso mo"

Napakagat ako sa labi ko.

"M-maniwala ka sa 'kin Dan, matutunan na rin kitang m-mahalin"

"Pero na kay Chris pa rin ang puso mo 'di ba?" natahimik ako dahil sa sinabi niya. "Alam kong minahal mo ako kahit na papaano Ella, pero hindi naman maitatangging mas matimbang pa rin 'yong pagmamahal mo para sa kaniya. Saka kahit naman ano ang gawin ko hindi ko naman malalamangan 'yong ugok na 'yon eh" tumawa siya ng pagak.

"Wag kang mag-alala Ella, hindi naman ako galit sa 'yo o sa kahit na sino. Galit ako sa sarili ko kasi pinili kong magpakatanga sa taong alam kong kahit kailan hindi naman magiging sa 'kin. Alam mo minsan? Iniisip ko na lang na masokista ako, paulit-ulit na nga akong nasasaktan ginagawa ko pa rin. Gano'n siguro talaga kapag nagmamahal ka, kahit na alam mong hindi ikaw ang panalo sa dulo----gagawin mo pa rin masabi lang na ipinaglaban mo 'yong taong mahal mo" muli ay may tumulo na namang luha mula sa mga mata niya.

I was stoned. Wala akong magawa kundi ang umiyak na lang habang nakikinig sa kaniya.

Kahit pa gusto ko siyang i-comfort, hindi ko 'yon magawa lalo na't alam kong ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak. I can't move a muscle, ni punasan ang mga luha niya hindi ko magawa. Nanatili akong tuod habang pinapakiramdaman ang sakit na nararamdaman niya.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon