KBANG (Chapter 95)

52 2 0
                                    

(BATTLE CRY)
***

"Hindi ko alam kung maniniwala ako Ella" napapikit si Kara saka siya humagulgol. "We're stuck in this very nasty place surrounded with a lot of crazy people. Mamamatay na tayo dito...mamatay na tayo"

Katulad niya ay punong-puno na rin ako ng takot. Pero kung gusto kong makatakas dito, kailangan kong tibayan at lakasan ang loob ko. Kung magpapadaig ako sa takot, baka dito na nga kami mamatay.

Muli ko siyang tinignan.

She looked so much different from what she does the first time I saw her, sa pagkakataong 'to----napakahina niya. Parang sa isang iglap lang, maaring bumigay na lang siya.

Kahit pa naging masama siya sa 'kin, hindi pa rin siya nararapat na makulong sa lugar na 'to tulad ko lalo pa't buntis siya. And I'll do everything to get us out of here.

Muli ay itinaas ko ang balakang ko at unti-unting kinaskas 'yon sa tali na naka lagay sa kamay ko.

"W-what are you doing?" takang tanong niya.

"I'm trying to get us out of here" maikli kong sagot.

"Wag mong gagawin 'yan Ella, papatayin ka nila kapag nahuli ka nila!" she warned.

"Pero kung hindi ko gagawin 'to, papatayin nila si Chris!" tumingin ako sa kaniya. Napapikit ako saka ako bumuntong hininga. "N-narinig ko kanina, ilang saglit lang pupunta na si Chris dito para iligtas tayo. At hindi ako papayag na isusugal na naman niya ang buhay niya para maligtas ako, marami na siyang nagawa para sa 'kin" pagkatapos na pagkatapos kong sabihin no'n ay bigla muling bumukas ang pinto.

"Busalan niyo 'yang mga 'yan para hindi makapagsalita" utos ni Benedict sa dalawang lalaki na kasama niya. Agad namang naglakad papalapit sa 'min ang dalawa saka kami nilagyan ng busal sa bunganga.

"No! Stop it Rupert----hft!" pagpupumiglas pa ni Kara pero hindi siya pinakinggan ng lalaking nasa harapan niya. Nanatili akong tahimik habang binubusalan gamit ang isang kulay pulang bandana na ipinasok pa sa loob ng bunganga ko katulad ni Kara. Unti-unti 'yong nabasa dahil sa laway ko.

Hindi umimik ang dalawang lalaki na naglakad pabalik sa tabi ni Benedict, pare-pareho lang silang diretso ang tingin sa 'min.

Galit kong tinignan ang mga mukha nila saka ako paulit-ulit na nagmura sa utak ko. Bakit ba nila kailangang gawin 'to? Ano bang makukuha nila kapag napatay na nila kaming tatlo?

"Hft! Hmp! Rpht!" pilit pa ring nagpupumiglas si Kara mula sa pagkakagapos niya habang umiiyak na naka-tingin kina Benedict. Napahawak ang lalaki sa batok niya saka niya magkasunod na ibinaling pakanan at pakaliwa ang ulo niya.

"Alam mo Kara? You should learn to shut your mother fucking mouth like this lady over here" tumigil siya sa ginagawa niya saka siya malademonyong ngumisi sa 'kin, I just looked at him full of hatred "Poor you, dahil sa boyfriend mo madadamay ka pa rito" pinadaan niya ang likod ng palad niya sa mukha ko.

"Kahit may pasa ka sa mukha, you still look beautiful. Hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw sa 'yo si Chris at isusugal pa talaga ang buhay niya para lang iligtas ka dito" he liked his lips saka siya malibog na tumingin sa 'kin.

Dahil do'n ay nanlaki ang mga mata ko saka tumindig ang balahibo ko, agad kong iniwas ang mukha ko sa kaniya saka ako paulit-ulit na lumunok.

Muling nanumbalik sa ala-ala ko ang lahat ng ginawa sa 'kin ni Alfred. For the nth time, fear took over my body. Nagsimulang manginig ang buong katawan ko, may namuo na ring panunubig sa mga mata ko habang kinakabahang nakatingin sa kaniya.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon