(HIS SIDE)
***Putek naman eh, putek talaga singkwenta. Paano ko haharapin ang lalaking 'to ngayon?
Napatingin ako sa kaniya. Ngumisi siya.
Kanina ay inaasam ko lang na makita at makasama ko siya pero ngayon binabawi ko na, ikaw ba naman 'yong makasayaw ng isang intimidating na tao?
~Heart beats fast, colours and promises
How to be brave, how can I love when I'm afraid to fall?
Watching you stand alone
All of my doubts suddenly goes away somehowPilit kong iniiwas ang mukha ko sa kaniya ngunit paulit-ulit akong hinihili ng charm niya.
Sobrang bumagay talaga sa kaniya ang white suit niya, mas umangat pa ang pagiging chinito niya dahil sa hairstyle niya at sa turtleneck na suot niya underneath. May naka sabit din palang krus na hikaw sa kanang tainga niya kaya mas naging bad boy ang hitsura niya.
"What? Titignan mo na lang ba ako nga ganiyan? Aren't you even gonna talk to me?" walang emosyong tanong niya.
"A-ah? Feeling ka, hindi kita tinitignan 'no. Saka kilala naman na kita, kailangan pa ba kitang kausapin?" napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
Napatawa siya ng pagak.
Ano namang nakakatawa? Itong suot ko ba? Akala ko ba maganda naman 'to at presentable na ako kahit na papaano? Mga buwisit! Sabi ko na eh, binobola lang nila ako!
~One step closer...
"A-anong nakakatawa?" kunot noo kong tanong na iwas na iwas ang tingin sa kaniya.
Napabuntong hininga siya saka niya pinihit ang mukha ko papalapit sa kaniya. Ngumisi siya.
"I'm not laughing, I just thought you look cute when you blush"
~I have died everyday, waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand moreAno bang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Ako nagbu-blush?
Siguro.
"Blush ka diyan, make up lang 'yan. Wag kang echusero" inirapan ko siya.
Hinila niya ako papalapit sa kaniya kaya napahinto ako sa pagsasayaw. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa, bahagya akong nakaliyad habang nakatitig sa mga mata niya.
"You look beautiful" kumurap-kurap ang mga mata niya. Hindi ko maintindihan pero bumagal ang paligid. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga at ang pabango niyang kailan may hindi ko pagsasawaan.
~Time stands still, beauty and all she is
I will be brave, I will not let anything take away, standing in front of me
Every breath, every hour had come to thisBumaba ang mga tingin ko mula sa mga mata niya papunta sa mapula niyang mga labi, bigla kong naalala kung gaano kalambot 'yon.
Ngumiti siya, nabaling ang mga mata ko sa mga mata niya. Natatakpan 'yon nang salamin pero alam ko't hindi ako nagkakamali dahil nakita kong kumislap ang mga 'yon.
~One step closer...
Napaayos ako ng tayo saka huminga, muli kaming sumayaw.
"I-ikaw din, you look amazing" maikli kong tugon sa kaniya.
Pilit ko mang habaan ang mga sinasabi ko pero wala akong makapang salita, pakiramdam ko nahihipnotize ako ng lalaking 'to.
"Kamusta kayo ng date mo? Balita ko, siya pala 'yong tagapagmana nitong school. Bagay kayo in fairness" pinilit kong magsalita para hindi maging awkward.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)