KBANG (Chapter 45)

48 3 0
                                    

(FORBIDDEN KISS)
***

CHRIS

"Tapos na ang last training ng mga bagong members, handa na tayo sa laban" seryosong wika ni Nico. Kasalukuyan kaming nag-uusap nina Nico, Tyron at Tyson sa hide out namin. Naka de-kuwatro akong naka upo sa kulay itim na couch samantalang si Nico ay naka upo sa handrest noon at magkahiwalay naman na naka-upo ang kambal sa tapat namin.

Biglang bumukas ang pintuan kaya napa lingon kaming apat doon. Iniluwan noon si Dan.

"You called for me?" takang tanong niya.

"Sit first" utos ni Tyson sabay turo sa katabing upuan, agad naman siyang umupo. "Wine?" dagdag ni Tyson.

"Margarita would do" sagot ni Dan. "Bakit mo ko pinatawag Chris?" baling niya sa akin.

"Well" humigop ako sa wine glass ko. "We are electing you as number five" maikli kong sagot.

"What do you mean?" taka niyang tanong sabay abot ng alak kay Tyson.

"Isa ka na sa mga leaders ng gang ngayon—pang lima sa akin. You have a promising talent in fighting at mayroon ka ring unique tactics sa pagplaplano ng mga pag-atake" paliwanag ko. Napakunot ang noo niya.

"Umamin ka nga sa akin, ginagawa mo ba 'to para mas bumango ang pangalan mo sa kaibigan ko?" napailing-iling siya. "Hindi mo na kailangang gawin 'to dahil alam kong mahal ka niya at ikaw ang sasagutin niya. Hindi ko na kailangang i-push siya sa 'yo" muli siyang humigop sa alak na hawak niya.

"I bet you missunderstood me" tinaggal ko ang suot kong salamin saka ko 'yon ipinatong sa center table. It's a bit blurry ngunit kailangan ko pa ring sanayin ang sarili ko na hindi gumamit ng salamin paminsan-minsan.

"You already know the gang's history right? At alam mong walang nakaka-alam kung nasa'n na ang succesor ng ika-limang puwesto" paliwanag ko.

Tahimik lang na nakinig si Dan.

"For years since we got our positions, wala pa ni isang naka pasa sa requirements na ginawa ng mga lolo namin para sa mga susunod na magiging leader ng gang. And then you came" dagdag na paliwanag ni Nico.

"So you mean naka-pasa ako sa lahat ng mga requirements?" kunot noo nitong tanong.

"Katulad nga nang sinabi ni Chris, outstanding ka sa lahat. Puwede nga kayong mag laban eh, and I think walang matatalo sa inyong dalawa gaya no'ng nangyari noong nag-away kayo" singit ni Tyron.

"Don't bring it up" walang gana kong sagot.

"Para mas maintindihan niya?" napailing-iling niyang pagtatanggol sa sarili.

"Great!" tumango-tango si Dan sabay higop ng margarita. "Ano bang trabaho ng isang number five? Mag mando ng mga gang members tulad niyo?"

"Basically, yes. Pero meron pa" tugon ni Tyson. "We are also responsible sa pagplaplano ng mga gagawin nating pag-atake sa mga kalaban natin. And right here, right now, magsisimula na tayo" dagdag ni Tyson.

"Great!" tuwang-tuwang wika ni Dan. "I like that idea, pero hindi ba 'yon delikado?" tanong nito.

"Nang magdesisyon kang maging kasapi ng gang na 'to, naging kakambal mo na ang panganib. But don't worry, we are strong enough to deffend ourselves sa lahat ng mga kalaban natin. May masasaktan pero walang mamamatay" seryoso kong paliwanag.

DAN

Isang malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng mataas na rank sa kahit na anong grupo. But in my case, my life is at steak in here.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon