KBANG (Chapter 25)

71 4 0
                                    

(IN SICKNESS AND IN HEALTH)
***

ELLA

Sinubukan kong bumangon sa higaan ko, kanina pa kasi ako ihing-ihi. Parang sasabog na 'yong pantog ko pero hindi ako halas makabangon dahil sa sakit ng ulo at pagkahilo ko. Ilang minuto ko 'yong tiniis hanggang sa makapag-ipon ako ng lakas na umupo.

Unti-unti kong binaba ang dalawa kong paa saka ko kinapa ang tsinelas ko sa sahig saka 'yon sinuot.

Shet namang sakit 'to eh! Sasabog na talaga 'yong pantog ko!

Sinubukan kong tumayo. Bahagyang tumibok-tibok ang ulo ko pero keri pa naman, ang mahalaga ay mailabas ko 'tong himutok ng pantog ko kung ayaw kong maligo sa nasty waterfalls.

Unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko palabas ng kuwarto, pero dahil sa panghihina ay natabig ko ang alarm clock sa side table kaya nalaglag 'yon sa sahig. Sinubukan kong damputin 'yon pero bigla akong nakaramdam ng hilo kaya napa-hawak ako sa noo ko pati sa pader na nasa harapan ko.

Muli ay inipon ko ang lahat ng lakas ko saka ako nagsimulang maglakad, ginamit ko ang pader bilang suporta ng bigat ko dahil nahihirapan pa rin na talaga ako.

Nang makarating ako ng pinto at biglang nandilim ang paningin ko, napantig ang tainga ko at bigla na lang akong nawalan ng kontrol sa katawan ko—na naging dahilan para bumgsak ako sa sahig.

"Aray!" namimilipit kong hinawakan ang tuhod ko.

Lord naman eh! Alam kong karma ko na 'to sa mga pinagagagawa ko pero give a bit of strenght dahil sobrang naiihi na po talaga ako!

"Ella!" nakarinig ako ng mabilis na yabag sa hagdan. Hanggang sa unti-unting lumapit ang mahihinang kalabog sa 'kin.

Sinubukan kong tignan ang mukha niya pero nanlalabo talaga 'yong mata ko. Pero alam ko sa sarili ko kung kanino ang baritong boses na 'yon, pero hindi ko lang maalala kung sino.

Naramdaman ko na lang na unti-unti niya akong binabangon at binuhat gamit ang mga kamay niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo? You should've stayed inside your room and took a rest!" Alalang wika nito habang buhat-buhat ako. "And why are you alone in a situation like this?!" inayos niya ang pagkakabuhat niya sa akin kaya napakapit ako sa leeg niya.

"Wala silang lahat dito, p-pinaalis ko sila dahil ayokong maka-istorbo. Kaya ikaw rin, you can leave me here. Kaya ko naman ang sarili ko" nanghihina kong sagot saka napakurap-kurap.

"I won't leave you here alone. Look at you! You look so miserable!" may tono ng inis sa boses niya. Naka tayo pa rin siya sa lugar kung saan ako bumagsak. "I'll help you here" napatawa ako.

"Alam mo kung sino ka man, kung gusto mo akong tulungan puwede bang pakidala ako sa cr? Ihing-ihi na kasi ako eh" nanghihina kong hiling.

"Tsk, tsk, tsk. Saan ba 'yong cr niyo dito?" tanong niya saka nagsimulang maglakad.

Hmm, sino ba 'tong lalaking 'to? Kahit kasi anong pilit kong tignan siya, hindi talaga nakikipag-coopersate 'yong mata ko. Pero in fairness ha, ang bango niya. Saka ang lakas-lakas niya, parang yakang-yaka niya lang akong buhatin. Eh ang bigat-bigat ko kaya!

"Sa baba, sa mismong tabi ng kusina" maiki kong sagot. Napabuntong hininga siya, ilang saglit lang ay nagsimula na siyang maglakad—hanggang sa makarating na kami sa cr. Pinaupo niya ako sa inidiro.

"Do your duties, lalabas na ako. Just call me kung tapos ka na" sinarado niya ang pinto.

Dali-dali kong tinaggal ang cover ng bowl saka ako nagsimulang umihi.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon