KBANG (Chapter 28)

59 5 0
                                    

(DON'T LOOK!)
***

ELLA

"Ikaw na ba talaga 'yan Dan?!" nanlaki ang mga mata ko. Sa isang iglap, nawa lahat ng galit at inis na nararamdaman ko sa kaniya.

"Oo, ako na 'to" ngumiti siya saka bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalapit sa 'kin saka niya ako masayang tinignan.

Kasing tangkad niya si Chris at talaga namang lumaki na ang katawan niya. Hindi na siya 'yong matabang kababata ko, sobrang hot na niya ngayon!

Hulmadong-humado ang malapad niyang dibdib at ang malalaki niyang biceps sa white slim fit niyang sweatshirt na pinarisan niya ng black denim pants at brown leader boots.

Pagkatapos ng ilang taon, nandito na siya—nasa harapan ko.

"Namiss kita Ella!" akmang yayakapin niya ako pero hindi 'yon natuloy dahil inilayo ko ang katawan ko. "W-what's wrong? Hindi mo ba ako na-miss?" tanong niya, bakas sa mukha niya ang pagka-dismaya.

"Siyempre oo naman!" ngumiti ako. "Kaso nga lang..." tinignan ko ang katawan ko saka nagkibit balikat.

"Oo nga pala!" napakamot siya sa batok niya. "Sorry, sorry" hinawakan niya ang isa kong kamay.

"Halika, sumakay ka sa kotse ko. Let's get you something to wear" hinila niya ako papunta sa pinto ng passenger's seat, sumakay naman ako kaagad.

Pagkasakay na pagkasakay niya sa kotse niya ay agad din siyang nagsimulang mag-drive.

Hindi talaga ako makapaniwala na magkikita kami ulit sa pinaka-unexpected na pagkakataon, pero sobrang saya ko na nakita ko na siya ulit.

Siya ang kauna-unahan kong naging kaibigan, at isa siya sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay ko.

"I can't believe na nagkita na tayo ulit Ella, hindi nga lang kaaya-aya" umagikgik siya saka nahihiyang tumingin sa 'kin.

"Okay lang ano ka ba, ihatid mo na lang ako sa bahay. Kwits na tayo pagkatapos noon" ngumiti ako.

Naningkit ang mga mata niya.

"That is something na hindi ko gagawin, alangan namang iuwi kita kina Tita Joaquilin na ganiyan ang hitsura mo? And worst, I was the one responsoble for it" napabuntong hininga siya. "May wipes pala ako diyan sa dash boared, sorry talaga" pinilit niyang ngumiti pero ang awkward ng naging mukha niya.

Natawa tuloy ako habang nagpupunas ng katawan.

"Bakit natatawa ka?" maang niyang tanong sa akin sabay kamot ulit sa ulo niya. Hay, ang cute talaga ng kababata ko!

"Wala wala" napailing-iling ako. "Siya nga pala, ang laki na talaga ng pinagbago mo ah?" puri ko sa kaniya habang kinikilatis ang kabuuan niya.

Mas lalong na define ang jawline niya dahil pumayat ang mukha niya. Iyong ilong niya sakto lang ang taas tapos, sobrang kapal din ng kilay niya na bumagay sa hooded eye niya. Pinkish 'yong lips niya tapos sobrang puti at kinis talaga niya. More on caucasian ang mga features niya kaya mukha siyang may lahi, though purong pilipino siya.

"Ah oo" wika niya habang nakatutok sa pagdi-drive. "Nag training kasi ako ng martial arts pag-alis na pag-alis mo. May mga nambully kasi sakin ulit kaya sabi ko sa sarili ko dapat maging malakas na ako lalo na't umalis na ang tagapagtanggol ko" bahagya siyang napahalakhak.

Napangiti ako.

Madalas ko kasi siyang ipagtanggol dati sa mga kalaro naming nambubully sa kaniya, palibhasa hindi siya marunong lumaban kaya ako ang sumisita sa kanila. Simpleng bulyaw ko lang kasi natatakot na sila.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon