(DOUBLE DATE)
***ELLA
Nagising ako ng mga 1 pm na. Ganito normaly ang gising ko kapag walang gagawin, buti na lang unti-unti kong natapos lahat ng mga projects ko every night ng weekdays kaya chill-chill na lang ako ngayon.
Nag-inat ako ng katawan saka ako napangiti. Sobrang saya ko kasi dahil meron akong guwapong manliligaw na sobrang mahal ako at mahal na mahal ko rin.
Okay na rin kami di Dan pagkatapos ng mga nangyari. Sa totoo lang, natakot talaga ako no'ng magsimula siyang umiwas. Akala ko kasi hindi na kami magkakaayos, pero kung magkaibigan talaga kayo—babalik at babalik pa rin talaga kayo sa isa't-isa kahit na anong mangyari.
Simula no'ng araw na muntik na akong masagasaan ng motor, hindi na ako tinigilan ni Chris at ni Dan. Palagi silang naka dikit sa akin at pinag iingat sa lahat ng bagay to the point na kapag humiwalay ako sa kanila, magagalit sila. Hindi ko sila sabay na nakakasama kasi magkakaiba ang eschedule ng mga klase namin kaya kung sino ang may bakante, siya ang magbabantay sa akin.
Sinasabihan ko nga sila na tumigil na kasi nagiging OA na sila pero ako pa ang pinagalitan. Sila na rin mismo 'yong nagsabi na parang sadya ang mga nangyari, na nay gustong mag warn sa akin na hindi na ako safe sa lugar na 'yon.
Ayokong mag-assume na si Kara ang may pakana no'n pero malakas ang pakiramdam ko.
Napahiya siya sa harapan ng maraming tao no'ng sabihin ni Chris sa lahat ng tao na nililigawan niya ako, kaya gumagawa siya ng paran para mapa-alis ako sa lugar na 'yon at ma-solo na niya si Chris. Pero dahil wala pa akong matibay na ebidensiyang siya ang may kagagawan ng lahat ng 'yon, iisipin ko na lang na inosente siya.
Hindi na rin nakatakas sa kaalaman nila mama at papa 'yong tungkol sa pag atake sa akin ng hika ko, pero hindi ko sinabi ang totoong dahilan noon dahil tulad nga kay Chris—ayaw kong mag-alala sila sa akin.
Ibinaba ko ang tsineles ko gamit ang aking paa saka ko 'yon isinuot. Hindi na ako nag abala pang tignan kung maayos ba ang hitsura ko sa salamin dahil wala nanan akog ganap at dito lang sa loob ng bahay ang punta ko.
"Ay bruha!" malakas at gulat na sigaw ni Zach ng buksan ko ang pinto ng kuwarto ko.
"Buwisit ka!" inis kong sigaw saka ko siya pinaghahampas.
"Aray! Tumigil ka na panagit! Masakit na!" ipinang sangga niya ang dalawang braso niya sa mukha niya.
"Bruha? Itong mukhang 'to bruha?!" turo ko sa mukha ko. Pinanlakihan ko siya ng mata saka nagpameywang, napaismid lang siya.
"Eh anong tawag mo diyan? Diyosa? Nakita mo na ba 'yong mukha mo sa salamin?" kunot noo niyang sagot. "Sobrang gulo kaya ng buhok mo! Kung ako sa 'yo, mag-aayos ako kasi may bisita sa baba, at hindi ko hahayaang makita niya na ganiyan 'yong hitsura ko" ngumisi siya. "Sabagay, pangit ka naman na talaga kahit kailan. Wag ka nang lang pala mag-ayos, wala namang magbabago eh" walang gana niyang sagit saka kuapit sa hamba ng pinto.
"Eh kung ihambalos kaya kita diyan sa pinto?!" inis na sigaw ko saka ko siya tinulak palbas. Pabalibag kong sinara ang pinto.
Inis akong naglakad papunta sa harap ng salamin, sobrang gulo pala talaga ng buhok ko. Napagtripan kasi nila Janina 'yong buhok ko, nilagyan nila ng sobrang daming goma na hanggang ngayon hindi ko pa ring talaga natatanggal.
Isa-isa ko 'yong tinggal, putek ang sakit sa anit! Bakit ba kasi ako pumayag na magpalagay ng ganito sa buhok ko?
"Hoy Pangit! Ang tagal mo naman diyan!" kumatok ng kumatok si Zach sa pinto.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Fiksi Remaja"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)