(FLOWERS)
***ELLA
Agad akong nagmulat ng mata ng maramdaman ang biglaang paglamig ng paligid.
Nasa loob ako ng sasakyan ni Dan, naka suot pa sa 'kin ang seatbelt ngunit bahagyang na naka hilig ang sandalan ng kinauupuan ko.
Napatingin ako sa labas, madilim na. Pero walang ilaw sa loob ng bahay nila Dan. Wala na rin siya sa tabi ko.
Bakit kaya hindi man lang ako ginising ng lalaking 'yon?
I yawned saka tinaggal ang pagkaka buckle ng seatbelt ko, akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng mapansin ko ang isang pamilyar na bulaklak na naka-lagay sa dashboard.
Kinuha ko 'yon, may naka attach pala na papel sa stem noon. Tinaggal ko 'yon saka binasa.
"Minsan, kailangan nating magparaya para sa kasiyahan ng iba. Dahil kung talagang mahal mo siya, pipiliin mo 'yong landas kung saan magiging masaya siya. This is a flower of frienship and love. Kahit na anong mangyari, tatandaan mong magkaibigan pa rin tayo at handa akong gawin lahat ng bagay para sa 'yo"
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, malulungkot ba ako dahil nasaktan ko si Dan o matutuwa dahil hindi niya kinalimutan lahat ng pinagsamahan namin after everything that has happened.
Bumaba ako ng sasakyan habang hawak ko ang bulaklak sa kaliwa kong kamay.
Maingat kong binagtas ang daan papunta sa loob ng mansion nila Dan saka sinubukang pihitin ang knob ng pintuan, hindi 'yon naka lock.
Sobrang tahimik ng paligid, wala ring naka bukas na ilaw. Malabo namang tulog na lahat sila kasi maaga pa naman.
My foot steps echoed all through out the hallway. Sinubukan ko silang tawagin pero walang sumasagot sa kanila ni isa.
May pinuntahan kaya silang lahat? Eh bakit pati 'yong mga guards at maids nila wala rin?
Napabuntong hininga ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Nilabas ko ang cellphone ko para hanapin ang switch ng ilaw sa sala.
When I found it, I immidiately turned it on, the blinding light revealed a pathway made out of sunflower petals.
Napa kunot noo ako.
Ano naman 'to?
Kahit na may hesitation sa akin, sinundan ko na lang 'yon. Naputol 'yon sa mismong tapat ng mahabang hagdanan, sa dulo noon ay naka tayo si Tyson. Naka suot siya ng isang kulay itim na tuxedo na pinarisan niya ng kulay dilaw na bowtie.
May hawak siyang isang piraso ng napaka-laking sunflower habang nakangiti siyang naka-tingin sa akin.
Naglakad siya pababa saka inabot ang bulaklak na hawak niya kasama ang isang note.
"Ano namang pakulo to Tyson? Debut ko?" natatawa kong biro ngunit hindi siya umimik. "Sina Chris? Nasaan sila?" muli kong tanong pero umiling-iling lang siya saka niya hinawakan ang kamay ko paakyat ng hagdan.
Nagtataka man ay wala na akong nagawa kundi sakyan na lang kung anong kabaliwan ang ginagawa niya.
Pagkatapos noon ay tinuro niya ang isang direksyon saka siya mabilis na tumakbo papunta doon.
"Hoy! Wag mo nga akong takbuhan! Hindi mo pa nasasagot 'yong tanong ko eh!" sinubukan ko siyang habulin pero sa laki ba naman ng nga biyas niya eh hindi ko na siya naabutan.
Napabuntong hininga na lang ako saka ko binuksan ang note na inabot sa akin ni Tyson.
"When I first saw you I never thought that you'll end up being an array of beautiful sun rays showering my gloomy life... Miss mataray"
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Jugendliteratur"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)