KBANG (Chapter 9)

109 7 1
                                    

(RUNAWAY)
***

CHRIS

Biglang humangin ng malakas dahilan para mapa-yakap ako sa sarili ko. naging sanhi rin 'yon para maglaglagan ang mga dahon ng mga puno't halaman na nasa tabi ng kalsada.

The moon was shining bright in the midst of the star-filled nightsky. Death silence echoed through out the place as my heart pumped crazily.

Kasalukuyan akong naka-tayo ngayon sa labas ng gate ng mansyon namin. I'm having second thought about going inside, kinukutuban kasi talaga ako na baka may mangyaring hindi ko magugustuhan.

Nakasuot ako ng isang pink long sleves na pinarisan ko ng brown na slocks at isang brown na leader boots. Gusto ko sanang magsuot ng casual lang pero kapag nagkakaroon kami ng dinner date ng pamilya, gusto ng mom ko na mag-suot kami ng either formal of semi-formal wear.

"Ser, baka nag aantay na po sila maam doon sa loob. Pumasok na po kayo, kanina pa po kayo diyan eh. Isa pa, malamok na diyan" Kuya Kiko suggested, he was the guard on duty from this time-slot hanggang six am.

Napa-tingin ako sa wrist watch ko. Quarter to 7 na, siguro nga nasa loob na silang lahat ngayon. Inayos ko ang suot kong salamin saka ako nagpakawal ng magkakasunod na buntong hininga.

"Sige Kuya Kiko, papasok na 'ko. Paki bantay na lang 'tong kotse ko dito sa labas" utos ko. Nagmadali naman siyang buksan ang gate.

"Eh ser, mas maigi po kung ipasok niyo na lang 'yang kotse niyo dito sa loob. Baka kung ano pa po ang mangyari" suhestiyon ni Kuya Kiko.

"Hindi na, aalis din naman ako kaagad after ng dinner na 'to. I have a lot of things to do kaya kailangang bumalik din ako kaagad sa condo" rason ko.

But in reality, I just can't stand to sleep here even for a night. Masaya naman akong makita ang pamilya ko eh, lalo na si Dad. Si ate, palagi namang pumupunta sa condo ko—nakaka-usap ko rin siya sa university dahil prof siya do'n. But mom? I dont know.

Siguro masaya rin naman ako, she's still my mother afterall.

"Sige po ser, kayo po ang bahala. Pero sana po ser, dumito muna kayo kahit na ngayong gabi lang po. Sigurado po kasi akong miss na miss na po kayo nang mga magulang niyo" I sighed.

Matagal na si Kuya Kiko dito sa 'min, naging isa siya sa mga taong nakakausap ko tungkol sa mga problema ko maliban kay Dad at sa mga kaibigan ko. I can say that we're close at talagang mataas ang tingin ko sa kaniya.

"Sige Kuya Kiko, susubukan ko" I tapped his back.

Tumango lamang siya na may kasamang paggalang saka bumalik sa guardhouse.

Nagsimula akong maglakad hanggang sa marating ko ang garden namin. This was the place my dad told me, to kami magdi-dinner.

Inilibot ko ang paningin ko.

A huge swimming pool was placed at the middle of the garden, naka-sindi ang kahat ng mga ilaw na nasa ilalim no'n na nagsilbing liwanag sa buong lugar. There was also a huge gazeebo floating at the center—it was bedazzled with vine plants that blooms tiny yellow flowers extending from the gazeebo to the wooden bridge that connects it to the edge of the pool.

May isang pari-habang mesa rin na naka-puwesto sa loob no'n, nababalot 'yon ng kulay putong silk cloth na nagmistula pang kumikinng dahil sa maliit na chandelier na naka-sabit sa kisame.

Kasalukuyan na ring naka-upo do'n si Dad, si Mom, si ate Natalia at si...Kara?

What is she doing here? Akala ko ba family dinner 'to?

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon