(THE VACATION)
***ELLA
Nagising ako dahil sa banayad na pagtama ng sinag nag araw sa aking mukha. Pagkamulat na pagkamulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Chris na maamong natutulog—naka-unan ako sa legs niya.
Hindi ko tuloy mapigilang mamangha sa kaniya.
Para lang siyang natutulog na anghel. Mahaba ang mga pilik-mata, hindi ka-kapalang kilay, mapulang labi matangos na ilong. Sobrang amo ng mukha niya.
Napangiti ako.
Ang guwapo guwapo talaga ng manliligaw ko!
Ilang minuto pa akong tumitig sa kaniya, hanggang sa bigla siyang mag-mulat ng mga mata. Ngumiti siya.
"Baka matunaw ako sa kakatingin mo niyan?" bigla niyang wika.
Naalalerto ang katawan ko kaya bigla akong naoabalikwas mula sa pagkakahiga ko sa kaniya.
"Ang feeling mo, hindi kita tinitignan 'no! Nagkataon lang na pagkagising ko nakita kita" iniwas ko ang mukha ko saka binuksan ang pinto sa tabi ko.
Nilibot ko ang tingin ko.
Nasa malawak kaming field sa harapan ng villa nila Dan. Napapalibutan 'yon ng malawak na lupang tinatakpan ng makapal na bermuda grass at samo't saring mga berdeng halaman na malayang lumalago sa nagtatayugang mga pader na nakapalibot sa amin.
Maayos na naka hilera ang lahat ng mga kotseng ginamit namin sa harap.
Sa gitna ay makikita ang isang malaking mansyon, may isang malaking fountain din na gawa sa porselana na malayang naglalabas ng mga tubig.
Nandito na nga ako.
"Gusto mo bang magpatayo rin tayo ng ganito pagkatapos nating makasal shy monster ko?" biglang sumulpot si Chris sa gilid ko saka siya umakbay sa akin.
"Alam mo?" tinaggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin saka ko hinawakan ang kamay niya. "Gutom lang 'yan, tara na" napailing-iling pa ako bago ko siya hinila papasok sa mansyon nila Dan.
Naka bukas ang malahiganteng pintuan nito, pagkatapak na pagkatapak namin doon ay agad kaming binati ng kasambahay na kasalukuyang pinupunasan ang mga mamahaling estatwa na naka display sa hallway.
Spanish style ang bahay, glamuroso ang disenyo at sa bawat division ng no'n ay may malaking chandelier na naka-sabit.
Puno rin ang bahay ng mga antique na furnitures at may mangilan-ngilang mga painting na naka sabit sa mga pader.
"Ella?" napalingon ako sa pinagmulan ng boses.
"Yaya Espi?" nanlaki ang mga mata ko. Agad akog tumakbo papalapit sa kaniya hila-hila si Chris.
Si yaya Espi ay isang matandang dalaga na matagal nang nagttatrabaho kina Dan. Naka-suot na siya ng makapal na salamin at may mangilan-ngilang puting hibla na rin siya ng buhok.
"Kamusta ka na Ella? Ang laki-laki mo na at ang ganda-ganda mo na rin! Nako na miss ko 'yong kadaldalan mong bata ka" natutuwang wika niya saka napatingin kay Chris. "Aba hija, sino 'tong guwapong lalaking 'to? Boyfriend mo ba siya?"
"Nako yaya Es-"
"Soon po" putol sa akin ni Chris saka niya ako kinindatan.
Inirapan ko siya pero patago akong napangiti.
"Ano nga ulit ang pangalan mo anak?" itinaas ng matanda ang salamin niya para makita ng maayos si Chris.
"Chris Nicola Vergara po lola" nakangiting sagot niya saka nag mano.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)