(ACCEPTANCE PART 2)
***DAN
"I'm giving you the chance to explain yourself" seryoso kong wika saka itinuon ng panandalian ang tingin kay Chris.
May maliit na dent sa gilid ng salamin niya, sobrang gulo at dumi rin ng suot niyang longsleeves na sa tingin ko ay siya pa ring suot niya kahapon. May namuong dugo sa gilid ng labi niya at may malaki siyang pasa sa may panga niya.
Kasalukuyan siyang naka-upo sa shutgun seat habang nag d-drive ako. He looks so helpless habang naka sandal ang katawan niya sa upuan at hinihingal.
Balak ko lang talagang magliwaliw sa bar kanina kahit na panandalian lang, hindi kasi ako makapaniwala sa mga nangyari. Kung gaano nabigla si Ella, siguro ganoon din ang naramdaman ko.
Sobrang nagalit ako kay Chris dahil sinira niya 'yong tiwala na ibinigay ko sa kaniya. Nagpaubaya ako para sa kanilang dalawa at hindi ko maT
tanggap na makakaya niya lang saktan si Ella.Pero ng makita ko kung paano nila pinapahirapan si Chris at mapansin ang pamilyar na marka ng Death Scorpions mula sa batok ng isa sa tatlong lalaki ay panandalian kong nakalimutan ang personal grudge ko kay Chris. Mahirap mang sabihin pero nangibabaw sa sandaling 'yon ang pagkakaibigan namin.
Iminulat niya ang mata niya saka siya umayos ng upo.
"Kung sinabi ko ba maniniwala ka?" makahulugan niyang tanong.
Napangisi ako.
"Let's give it a shot, baka sakaling mabaliktad mo ang paniniwala ko" walang gana kong sagot.
"Na frame up ako"
"Oh really?" tumawa ako ng pagak. "Wala ka na bang iba pang ipapalusot? Bulok na bulok na 'yang dahilan mo" sarkastiko kong dugtong.
"You don't have to listen kung ayaw mo lang rin namang maniwala" muli niyang ipinikit ang mata niya.
"Just tell me everything, baka matulungan pa kita kay Ella" napalingon siya sa 'kin.
Minsan hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, chance ko na 'to para mas mapalapit pa ulit kay Ella pero ako na rin mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit sila ulit.
"Iyong video kung saan magkayakap kami, hindi ako aware sa lahat ng 'yon. I was drunk that time and Kara took advantage of me. Nangyari 'yon matagal na, bago ko pa simulang ligawan si Ella" he sighed. "A-and that kiss, hindi ko ginusto 'yon"
Tumawa ako ng pagak.
"Eh bakit hindi mo siya tinulak? Bakit hindi ka nanlaban man lang?" I tried to sound calm kahit na ang katotohanan ay naiinis na ako sa kaniya.
"I tried okay?!" tinaggal niya ang salamin niya saka niya 'yon nilagay sa dashboard ng sasakyan ko. "The video was trimmed"
"Then why didn't you tell Ella about all of this? Alam mo ba kung gaano nasaktan 'yong kaibigan ko dahil sa ginawa mo?!" hindi ko na napigilang taasan ang boses ko.
"Sinubukan ko pero natakot ako!" napahilamos siya sa mukha niya. "Natakot ako na baka hindi siya maniwala sa 'kin at mauwi lang sa wala ang lahat" halos pabulong na wika niya.
"Mahal ka niya kaya paniniwalaan niya lahat ng mga dahilan mo. Ang mali kasi sa 'yo, pinapangunahan mo na lahat ng mga bagay-bagay na parang nakikini-kinita mo na lahat ng mangyayari!" sandali ko siyang tinignan. "Wala ka bang tiwala kay Ella?"
Panandalian kaming nabalot ng katahimikan. Magkakasunod na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya muling nagsalita.
"Siyempre meron, kaso nga lang—"
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)