KBANG (Chapter 76)

32 2 0
                                    

(UNDERGROUND BATTLE PART 3)
***

"Benedict" napangisi ako saka ko pinaikot sa kamay ko at isinukbit sa balikat ko ang hawak kong baseball bat. "Sino na ba 'yong mga gang na napapahirapan mo? Elixir? Blue Dragons? Sabertooth? Ngayon sino naman ang isusunod mo?"

Tumawa siya ng malademonyo.

"Siyempre ang gang mo" hinawi niya ang buhok niya saka siya naglabas ng dagger mula sa side packet ng suot niyang army pants. Mabagal siyang naglakad papalapit sa 'kin, pero hindi ako naalarma dahil doon. "Sinasabi ko na nga ba, pupunta at pupunta ka dito para iligtas ang mga miyembro ng mga walang kuwentang gang na 'yon. Sinasayang mo lang ang lakas mo Chris dahil hinding-hindi ka mananalo dito sa teritoryo ko" . Huminto siya saka niya itinapat ang hawakan ng dagger sa tapat ng dibdib niya—at mula sa mabagal niyang paglalakad ay pasugod siyang tumakbo papunta sa 'kin. He tried aimed at my neck but I was quick enough to use my baseball bat as a shield.

"Iyon ang akala mo. Ano kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong lahat ng tauhan mo sa ground at second floor bagsak na?" ngumisi ako, kita ang pagkainis sa mukha niya. I pushed the baseball bat with full force dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaupo sa maduming sahig ng mahabang hallway.

"Do you think I'm that naive para basta na lang magpatalo sa 'yo?" mabilis siyang tumayo saka siya muling sumugod sa 'kin gamit ang hawak niyang dagger. He tried to hit me in my triceps area but this time ay inilagan ko ang patalim nito and used my free hand to catch his left hand. Akmang pipilipitin ko na 'yon pero nagawa niyang bawiin ang kamay niya saka niya ako binigyan ng malakas na suntok sa panga. Sa sobrang lakas no'n ay halos mapadausdos ako sa sahig.

Napahawak ako sa panga ko.

Sa totoo lang I never expected his punch to be that strong dahil dati naman siyang lampa, not unless he used esteroids to get strong?

Humalakhak siya ng malakas.

"Magpapakabayani ka na naman ba Chris? Sinasayang mo lang ang oras mo dahil hinding-hindi na ako ulit magpapatalo pa sa 'yo. At ipapaalala ko lang, hindi na ako katulad ng Benedict na pinakain mo ng palaka. Dahil ako naman ngayon ang maghuhuhukay at magpapakain sa 'yo ng lupa!" he was about to run and hit me so I quickly stood up saka ako lumihis quickly getting into his back saka ko siya malakas na tinadyakan sa likod.

Pero hindi siya nagpadaig.

Pagkasipa na pagkasipa ko sa kaniya ay agad siyang umikot para harapin ako saka niya ako sinubukang suntukin sa mukha, iniiwas ko ang mukha ko saka ko siya binigyan ng malakas na uppercut but he was fast enough to grab my fist. Agad niyang ibinulsa ang hawak niyang dagger saka niya ako binigyan ng malakas na tadyak sa tiyan dahilan para matumba ako, mahirapang huminga at mamilipit sa sakit.

"Sabi naman sa 'yo Chris, hindi na ako 'yong Benedict na kilala mo kaya wag mong minamaliit ang kakayahan ko" inilabas niya ulit ang dagger niya mula sa kaniyang bulsa saka siya ngumisi. "Alam mo? Sana pala tinuluyan na kita noong huli ka naming makuha 'no?"

I smiled evily.

"S-sana nga tinuluyan mo na lang ako" inabot ko ang baseball bat ko saka ko siya malakas na hinampas sa may leeg niya.

"AHHHHHRAAAAY!!!" palahaw niya saka siya napaluhod sa sahig. Napakagat pa siya ng labi at maluha-luhang hinawakan ang legs niya.

"At huwag mo rin sanang kalimutan na hindi na ako 'yong Chris na nagpakain sa 'yo ng palaka, dahil ako na ngayon 'yong Chris magpapakain sa 'yo ng mga salita mo!" binigyan ko siya ng malakas na suntok sa kaniyang mukha dahilan para tuluyan na siyang mawalan ng malay at matumba.

Or I was wrong.

Dahil pagkatalikod na pagkatalikod ko ay naramdaman ko ang biglaan niyang pagtayo.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon