(LAST EMBRACE)
***ELLA
"Siguro Ella, dapat bigyan mo siya ng chance para mag explain sa 'yo. Sinabi niya sa 'kin 'yong totoo and I was convinced, he looked so sincere habang kinukuwento niya 'yon. Pero kasi, wala ako sa lugar para sabihin ang lahat ng 'yon. Mas maigi na sa kaniya na lang mismo manggaling 'yon"
"Simula pagkabata, magkasama na tayo Ella. Ilang taon tayong nagkalayo, ngayong nagkita na ulit tayo. Pero hindi ko inaasahan na may iba na palang nagmamay-ari ng puso mo. Ngayon ay may pagkakataon na ako ulit para mabawi ka sa kaniya pero hindi ko kaya Ella, mahal na mahal ka ni Chris at alam kong kahit galit ka sa kaniya, mahal na mahal mo pa rin siya. Hindi ko gagamitin ang opportunity na 'to para makapanlamang sa kaniya. Please spare time to listen to him, bigyan mo siya ng chance para magpaliwanag siya sa 'yo"
"It's now or never Ella. Kausapin mo na siya bago pa mahuli ang lahat, bago pa magkaroon ng permanent damage 'to sa relasyon niyong dalawa"
Napabuntong hininga ako saka nahiga sa kama ko. Tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko saka sinubukang matulog pero kahit na anong gawin ko, hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok
Kanina pa paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi ni Dan kanina.
Masyado ko bang pinairal 'yong galit ko to the point na hindi ko man lang narinig 'yong side ni Chris? Sinakop na ba ako ng emosyon ko no'ng pagkakataong 'yon kaya naipagtulakan ko siya palayo?
Sobra lang naman kasi akong nasaktan sa mga nalaman ko eh, ang masama pa no'n naging masama ang epekto nito sa buong pagkatao ko.
Akala ng mga nakapanood sa video, nilandi ko si Chris dahil gusto kong sumikat at yumaman kahit na kung tutuusin—wala naman talaga akong kinalaman sa video na 'yon
Nagmahal lang naman ako pero hinusgahan na kaagad nila 'yong buong pagkatao ko.
Nag deactivate na ako sa lahat ng mga social media accounts ko dahil halos kada minuto ay may nagme-message sa 'kin, karamihan pa puro masasakit na salita 'yong sinasabi.
Pero hindi ko na lang pinansin ang lahat ng 'yon kasi mas nanaig 'yong sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko, 'yong sinasabi ba ng puso ko na makinig kay Chris o ang nakita ng mga mata ko kaya wala na siyang dapat pang ipaliwanag pa?
Tinaggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot ko saka ako tumingin sa kisame.
Muli na naman akong umiyak.
Ilang araw ko na bang iniiyakan 'to? Kahit kasi pilitin kong kumbinsihin 'yong sarili ko na magiging okay rin ang lahat hindi ko kaya eh. Kasi paulit-ulit akong sinasampal sa katotohanang engaged na si Chris sa ibang babae.
Napaupo ako saka sumandal sa headboard ng kama ko, niyakap ko ang mga tuhod ko saka ipinagpatuloy ang pag-iyak.
Isa-isang dumaan sa balintataw ko lahat ng mga masasayang ala-ala na binuo namin ni Chris.
Kung paano kami nagkakilala, kung paano niya ako iniligtas sa lahat ng mga bagay na puwedeng makasama sa 'kin at kung paano siya nagpropose sa 'kin.
Napatingin ako sa bracelet na naka-suot sa kamay ko.
Ibinalik ko na 'to sa kaniya pero ngayon nasa kamay ko na naman ulit. Para sa 'ming dalawa, ito 'yong katumbas ng engagement ring sa mga ikakasal. Ito 'yong simbulo na nagpapaalala sa 'kin kung gaano niya ako kamahal.
Pero mahal niya nga ba talaga ako? O pinaglaruan niya lang ako katulad ng iniisip ko?
Muli akong humiga saka pumikit. Ngunit imbes na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalo lang akong umiyak ng makita ko 'yong naka-ngiting mukha niya.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Novela Juvenil"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)