KBANG (Chapter 63)

45 2 0
                                    

(ACCEPTANCE)
***

ELLA

Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Puting kisame ang bungad sa 'kin.

Iginala ko ang aking paningin at nakita ang isang tubo na naka-kabit sa kamay ko. Sinubukan kong maupo at nakita ang isang lalaki na naka-tulog sa tabi ng hinihigaan kong kama.

Chris...

Napangiti ako.

Pero nang akmang hahawakan ko na ang kaniyang buhok ay muling nanumbalik sa balintataw ko kung ano ang mga nangyari at ang dahilan kung bakit nandito ako sa hospital.

For the nth time, muling tumulo ang luha sa mga mata ko.

Itinaas ko ang kanan kong kamay at nakita doon ang bracelet na tanda ng pagmamahal sa 'kin ni Chris.

Ibinigay ko na 'to sa kaniya hindi ba?

Muli ko siyang pinagmasdan. Gusot-gusot ang school uniform na suot niya, magulo rin ang buhok niya at bakas sa mga mata niya ang pamumugto nito.

Magdamag ba siyang umiyak?

Ilang saglit pa ay bigla siyang gumalaw kaya agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"G-gising ka na pala shy monster ko" agad siyang tumayo. "Anong gusto mo, tubig? Gutom ka na ba? You want me to buy you food?" aligaga niyang tanong pero blangko ko lang siyang tinignan.

Kung magpapatuloy ka sa ginagawa mo Chris, baka mas lalo lang akong mahulog sa ilusyon na pinapakita mo sa 'kin.

"Siya ng pala, alam na ng parents mo 'yong about sa nangyari sa 'yo. B-binisita ka na nila kahapon dito pero hindi na sila nag abalang gisingin ka kasi mahimbing 'yong tulog mo. Noong medyo late na pinauwi ko na sila, sabi ko ako na ang bahala sa 'yo dito" mahaba niyang paliwanag habang kumukuha ng tubig sa dispenser.

Nang mapuno na niya ang cup ay agad siyang naglakad papalapit sa 'kin saka niya 'yon inabot. Hindi ko mapigilang magtaka ng makita ang bendang nakabalot sa kamay niya.

Ano kayang nangyari doon?

Pero kahit pa ganoon ay iwinaksi ko na lang 'yon sa utak ko saka yumuko.

"Uminom ka muna shy monster ko—"

"Bakit ka ba nandito?" malamig kong tanong sa kaniya, hindi ko siya tinapunan ng tingin. Pakiramdam ko kasi kapag tinignan ko siya mas lalo ko lang maaalala 'yong mga ginawa niya.

"Shy monster ko..." napayuko siya saka niya inilayo ang cup sa 'kin. Ipinatong niya 'yon sa side table.

"Bakit mo ba ginagawa 'to Chris?" this time ay itinuon ko na ang tingin ko sa kaniya. "Hindi pa ba sapat 'yong ginawa mong panloloko sa 'kin at balak mo na naman akong linlangin?" hindi ko na napigilan pang muling maluha. Pero bago pa 'yon mahulog ay agad ko na 'yong pinunasan saka malamlam na tumingin sa kaniya.

"Shy monster ko, please let me explain! Hindi mo naiintindi—"

"Umalis ka na Chris, hindi pa kita kayang makita sa ngayon. Please lang, kahit ngayon lang makinig ka naman sa 'kin" napakagat labi ako habang pinipigilan kong maluha. "Umalis ka na"

Tumingala siya saka ako malamlam na tinignan. Ngumiti siya sa 'kin habang patuloy na bumubulwak mula sa mga mata niya masaganang ilog ng luha.

On that very moment, naramdaman ko 'yong sakit, naramdaman ko 'yong lungkot. Pero hindi ko dapat iwaksi sa utak ko na puwedeng palabas lang ulit ang lahat ng 'to... Na maaring gumagawa na naman siya ng bagay na ikalilinlang ko.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon