(FORGIVENESS PART 2)
***Pinunasan ko ang mga ilog ng luhang nasa aking mukha saka sinubukang ngumiti habang nagkakalakad ako papalapit kay Chris.
Kusang pumagilid ang mga tao na nakapalibot kay Chris, kasalukuyan niyang kausap si Janina at Amanda na ngayon ay pareho nang nakatingin sa akin. Napatigil ako.
"Andiyan na pala siya eh, oh sige Chris. Exit na kami dito, galingan mo diyan" siniko niya pa si Chris saka siya naglakad kasama si Amanda papalapit sa akin.
"Besh ha, alam mo na. Mag usap kayo ng masinsinan niyan" tinaas baba niya ang kilay niya saka mapang asar na ngumiti.
Tumango-tango ako.
"Sige na! Alis na po kayo, tapos na ang live concert ng mga alaga ko. Tsupi na dali!!!" pilit na pinagtulakan ni Janina at Amanda ang mga babaeng galing sa ibang mga classrooms habang ang mga kaklase naman namin ay awtomatikong pumasok sa loob.
"Ang suwerte talaga ni Ella, biruin mong pag aagawan at susuyuin siya ng dalawang sobrang guwapong lalaki?"
"Kaya nga, anong gayuma ba ginamit ng babaeng 'yan? Gusto ko i-try"
Napantig ang tainga ko kaya napalingon ako doon at kunot noong tumingin sa mga babaeng papaalis.
"Walang ginamit na gayuma ang kaibigan ko kaya umalis na nga kayo! Inii-stress niyo ako ng bongga mga echusera!" malakas na buwelta ni Janina saka niya ako hinarap.
"Hayaan mo na 'yon besh" hinawakan niya ako sa balikat saka niya tinignan si Chris na naka sandal sa malaking poste sa corridor ng classroom namin. "Puntahan mo na kaya? Kanina pa nag aantay 'yong tao oh" inginuso niya pa si Chris. Napatingin din ako sa kaniya.
"Oo nga Ella, nakakaawa naman 'yong tao" mahinang sabad ni Amanda.
Kahit na mabigat ang pakiramdam ko kanina dahil sa nangyari sa amin ni Dan ay unti-unti akong naglakad papalapit kay Chris.
Malamig na ngumiti si Chris saka niya hinawakan ang kamay ko, itinaas niya 'yon saka niya hinagkan.
"I'm sorry Ella" malungkot na wika niya saka malamlam na tumingin sa akin.
Hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi saka ko siya nginitian.
"Hindi mo naman kailangang mag sorry, naiintindihan ko na ang lahat" sagot ko saka ko siya biglang niyakap at hindi na napigilan pang mapahagulgol.
***
"Alam mo? Si Dan 'yong kauna-unahan kong kaibigan eh. Siya 'yong lagi kong kasangga sa lahat ng bagay, actually naging kapatid na nga ang turing ko sa kaniya pero hindi ko naman inaasahan na mahuhulog pala 'yong loob niya sa akin" kasalukuyan kaming naka upo ngayon sa isang bakal na bench na naka puwesto sa lilim ng puno—nasa likod 'to ng mga school buildings. Wala masyadong napapadaan sa lugar na 'to na mga estudyante dahil marami nang nagkalat na dahon at ang ilang sulok ay natatambakan na rin ng ilang sirang mga upuan.
"Hindi ko naman gustong saktan siya, never kong gustong gawin 'yon pero wala akong magagawa. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya eh" muli na naman akong umiyak.
Tahimik lang na nakikinig sa akin si Chris habang titig na titig sa akin.
Ang sakit lang kasi talaga sa pakiramdam na ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ang taong mahal mo, kahit pa hindi mo naman intensyong gawin 'yon—wala ka pa ring magagawa para mapagaan ang nararamdaman niya.
"Natatakot ako Chris, natatakot ako na layuan niya ako dahil sa mga nangyari. Pakiramdam ko kasi mawawalan ako ng kaibigan. Habang naglalakad ako palayo sa kaniya kanina, parang dinudurog 'yong puso ko—alam ko kasing iniwan ko siyang mag isa doon habang umiiyak" pinunasan ko ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)