(ANSWERS)
***Dedicated to ur_otherness
Basahin niyo rin story niya guys, maganda promise:)
***
CHRISNatulala ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad papalayo sa 'kin.
And at the very moment, alam kong wala na akong magagawa para maayos ang lahat ng mga bagay.
There's no reset, there's no replay.
Alam kong umiiyak siya habang mabagal siyang naglalakad palayo, gano'n din ako.
Now I can't help but ask myself.
Tama ba na pinagtulakan ko siya palayo? Tama bang sabihin kong hindi ko talaga siya minahal kahit na siya naman ang totoong laman ng puso ko?
Everything is already messed up, and I can't do anything to fix it
Nang makita kong tumayo siya saka siya tumakbo palabas kanina, hindi na ako nagdalawang isip pa na bumaba sa stage at patagong sundan siya.
I found her silently crying in this very place habang naka halukipkip sa gitna. Sa totoo lang, ayoko sana siyang lapitan kanina dahil hindi ko mapipigilan ang sarili kong yakapin siya—which I eventually did.
But I just can't afford seeing her in tears. Kaya naglakad ako papalapit sa kaniya sabay abot ng panyo na matagal kong itinago.
Una pa lang, alam kong dadalo na siya dito sa party. I know she wanted to show support to me katulad ng sinabi ni Nico. But I didn't expect our last conversation to be the most painful scene in my entire existence.
Inilagay ko sa dibdib ko ang bracelet na ibinigay niya saka pinakawalan ang luhang ilang linggong naipon sa mga mata ko.
"I-I'm s-sorry s-shy monst-ter ko, I'm s-sorry" tuluyan nang naghina ang mga tuhod ko, napaluhod ako sa sahig. "Balang araw maiintindihan mo rin kung bakit ko ginagawa 'to, kahit na malaki ng posibilidad na sa araw na 'yon—makakalimutan mo na ako" napahilamos ako sa mukha ko saka ako tuluyang humagulgol.
I never cried this hard on my entire life, ngayon lang.
Siguro nga, I'm not man enough para ipaglaban si Ella. Siguro duwag ako, siguro mahina ako. Hindi ko deserve lahat ng pagmamahal na ibinigay niya sa 'kin dahil wala ako sa huwisyo para ipaglaban pa ang bagay na puwedeng makasira sa buhay naming dalawa.
Pareho kaming nasaktan ni Ella, pero ito lang ang nakikita kong paraan para manatili ang kaayusan sa buhay niya.
Soon, I know she'll manage to forget about me. Pero ako, kaya ko kayang kalimutan na lang ang mga tanong na hawak ko ang kasagutan? Kaya ko bang ilibing na lang ang mga sikreto ko sa ilalim ng lupa kung patuloy naman akong babangungutin dahil sa ginawa kong pagtataboy kay Ella?
I lied to her, sinaktan ko siya ng sobra. Seeing her cry out of sadness, anger and frustration drives me insane. I put that emotion inside her, at maaring sa mga susunod na araw—'yon na lang ang bagay na maalala niya sa tuwing makikita niya ako.
Tumingin ako sa kalangitan na puno ng bituin.
"Be the brightest star Ella, katulad ng mga bituin na gusto mong makita palagi" ngumiti ako ng mapait sa kalangitan. "Pasensiya ka na kung nagawa ko ang lahat ng 'yon sa 'yo. Hindi ka magniningning na parang bituin sa langit kung mananatili ka sa piling ko"
"Paalam Chris, salamat sa lahat ng ala-ala"
Muli ko na namang narinig ang boses niya sa utak ko.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)