(CONFESSION)
***Bigla siyang nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa ibang direksyon. Napapikit ako at namula dahil sa pagkadismaya.
Eh bakit nga naman siya didiretso dito eh meron nga siyang date 'di ba?
Sinundan ko siya ng tingin at natagpuan siyang yakap-yakap si Kara sa ikalawang table mula dito. Sila lang ang naka upo doon at mukhang naka reserve pa talaga sa kanila 'yon.
Kasalukuyang naka suot si Kara ng isang pale pink two piece dress na talaga namang pinakita ang kanyang cleavage. Naka plantsa lang ang buhok niya at talagang glamuroso dahil sa manipis na white fur na nakasabit sa kaniyang batok at mga kamay. Hindi ko tuloy maiwasang maisip.
Bagay na bagay sila.
Bukod kasi sa pareho silang nasa upper class kung ituring ng society in terms of facial aesthetics and money, saktong sakto ang pagiging reversed ng mga ugali nila.
Alam kong wala naman akong karapatang madismaya at malungkot pero 'yon ang nararamdaman ko, kahit na magsinungaling ako sa sarili kong hindi ako affected—sinasabi ng puso ko kung ano ang totoo.
"Ay mga besh, sorry ah. Magsisimula na kasi 'yong program. Lam niyo na, may intermission ang pretty niyong friend kaya bye na" ngiti-ngiting kumaway si Margot saka tumayo.
"Ihahatid na kita" tumayo rin si Tyson saka hinawakan si Margot sa bewang, sabay silang naglakad papunta sa backstage.
"Ang babait pala ng kaibigan mo, you're lucky to have them" biglang nagsalita si Dan habang naka ngiti sa akin.
"Hay nako, kung alam mo lang kung paano kami naging magkakaibigan ng mga 'yan mababaliw ka" biro ni Janina.
Napahalakhak si Dan saka muling nagsalita.
"Bakit naman?"
"Hay nako, tanongin mo 'yang kababata mo about diyan kasi napakahabang kuwento" sagot ni Janina sabay higop ng juice na hawak niya.
"Wag muna ngayon if that's the case. Baka kulangin ang gabing 'to" napatawa kaming lahat dahil sa mababaw na biro ni Dan.
"Siya nga pala dude, are you just here to accompany Ella or are you actually gonna study here?" seryosong tanong ni Nico.
"Mag aaral na ako dito, Ella and I have been friends since the early days but we got separated. Years after I decided to study here in manila and choose this school, para na rin mabantayan ko 'tong kaibigan ko" ngumiti siya saka tumingin sa akin.
Tinukso tuloy kami ni Janina saka ni Amanda.
Sakit sa bungo mga babaeng 'to eh, 'yong isa akala mo mahinhin 'yon pala lakas mang-asar. Ito namang isa tatahi-tahimik lang pero may tinatagong kalokohan. Imbiyerna ako sa mga kaibigan kong 'to ah.
"Pretty romantic" napatango-tango si Nico saka muling uminomng alak.
"Hindi naman dude, I just missed her so much"
Ang sweet talaga ng kaibigan kong 'to, bukod sa nasa kaniya na ang lahat ng aasamin mo sa isang lalaki, sobrang caring niya pa. Hinding-hindi ako magsisising naging kaibigan ko siya.
"Are you doing some sort of deffense training?" si Tyron naman ang nagsalita.
"I've been doing Judo and boxing for about 12 years na, bakit mo natanong" takang usal ni Dan.
Kaya pala ang ganda na ng katawan niya eh.
"We have a gang called Lion Vortex Gang and—"
"I heared you are looking for new recruits?" putol ni Dan kay Nico. "I'm willing to join your gang" puno ng tapang na wika ni Dan sa kanila.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Fiksi Remaja"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)