(HAPPINESS)
***"Sila Dan? Hindi pa ba sila gising?" bungad ni Chris pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa dirty kitchen.
6:00 am pa lang kasi ng umaga. Kakatapos ko lang mag tooth brush at maghilamos no'ng bumaba ako. Kumalam kasi 'yong tiyan ko kaya dumiretso na ako agad dito.
"Tulog pa ata silang lahat eh" sagot ko saka umupo. "Anong ginagawa mo? Nagluluto ka ba?" taka kong tanong saka ipinatong ang ulo ko sa lamisahan.
Kasalukuyan siyang naka-suot ngayon ng isang simpleng gray na shorts. Wala siyang pang-itaas na damit ngunit natatakpan naman ang kahubaran niya ng kulay itim na apron.
"Yep. Naisip ko lang na gusto kong magluto ng pancakes for us all, it's been a long time na rin kasi noong huli akong humawak ng mga gamit sa kusina" sagot niya saka niya nilagay ang mixture na ginawa niya sa tumitilamsik na mantika.
"Buti pinayagan ka nina yaya Espi?" ngalumbaba ako saka siya pinanood na magluto.
Ang sexy talaga ng lahat ng galaw niya. Hindi naman siya nag fle-flex pero talagang lumilitaw lahat ng mga muscles niya sa biceps niya pati na rin sa likod niya.
Kung susumamuhin, kahit na wala siyang gawin talagang hatak atension siya. Hindi lang kasi siya guwapo, mukha rin talaga siyang matalino at malakas ang dating niya.
"Puwede ko ring tanggalin 'tong apron ko para makita mo 'yong abs ko shy monster ko" ngumisi siya ng nakakaloko dahilan para mapatuwid ako ng upo.
Kumuha ako ng isang dahon ng pechay na naka lagay sa tabi ko saka ko 'yon binato sa kaniya.
"Ang feeling mo rin talaga eh 'no?" inirapan ko siya saka nag crossed arms. Tumawa lang siya ng malakas.
"Ikaw talaga shy monster ko, hindi ka na mabiro" lumapit siya sa akin saka niya ako niyakap mula sa likod. "Pero seryoso nga, wag ka nang mahiyang pagmasdan ang katawan ko. Sa 'yo lang naman 'to" bulong niya sa tainga ko dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"B-buwisit" utal kong wika saka ako kumawala sa kaniya. "Kadiri ka, bakit ko naman pagmamasdan 'yang katawan mo aber?!" nag iwas ako ng tingin.
Minsan talaga may pagkamahangin din ang lalaking 'to? Pinagmasdan ko ba 'yong katawan niya?
Well technicaly, pinagmasdan ko nga 'yon kasi agaw atention naman kasi talaga. Pero sa tono kasi ng pananalita niya parang may iba siyang sinasabi e.
Pinatay niya ang niluluto niya saka siya malokong tumingin sa akin. Unti-unti siyang humakbang papalapit sa 'kin dahilan para mapalunok ako.
"W-wag mo nga akong pagtripan, hindi na ako natutuwa sa 'yo. Alam ko na 'yang ganiyang technique mo eh. Lalapit ka sa akin tapos kunwari hahalikan mo ako pero hindi pala" unti-unti akong naglalad paatras hanggang sa mapasandal na lang ako sa isang malaking kabinet na puno ng mg babasaging chineseware.
"What if halikan na lang talaga kita ngayon? Tutal nag aanticipate ka naman na halikan kita hindi ba?" he almost whispered with his husky voice, nagsitayuan lahat ng mga balahibo ko sa katawan.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi saka niya ako tinignan ng diretso sa mga mata.
Sobrang dilim ng mga mata niya, sa unang tingin akala mo nakaka-intimidate siya pero pag nakilala mo siya—saka mo lamg malalaman kung gaano kalambot ang puso niya.
Nalunok ako.
Oo Chris, nag aanticipate nga akong halikan mo ako. Miss ko na 'yong pakiramdam na binibigay mo sa akin sa tuwing hahalikan mo ako.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)