KBANG (Chapter 7)

112 7 0
                                    

(RED STAIN)
***

ELLA

Tulala.

Ganyan ako kanina pa.

Ikaw ba naman kasi 'yong biglang lapitan ng kaaway mo tapos halos magkadikit na 'yong mga mukha niyo? Hindi ka ba mababato no'n?

Nakakainis!

Ang lakas talaga ng sapak sa ulo ng manyak na color blind na magnanakaw ng halik na 'to! Pinapakulo niya talaga 'yong dugo ko!

Tatlong beses pa lang kaming nagkikita puro kamalasan na 'yong nakukuha ko, baka may sa itim na pusa siya?

Lord naman eh, boyfriend na gentleman 'yong hiniling ko kanina— hindi 'tong manyak na color blind na magnanakaw ng halik na 'to! Eh no'ng nagpa-ulan ka ata ng sapak sa ulo siya lahat 'yong sumalo eh!

"Sigurado ka bang hindi ka o-order ng kape mo?" tanong ni Chris sabay higop sa kape niya.

Nandito nga pala kami sa isang coffee shop ngayon, pagkapasok na pagkapasok ko kasi sa kotse niya kanina—at pagkatapos niya akong pagtripan sa buwisit na fake kiss na 'yon, dinala niya ako dito ng walang dahilan.

"Hindi na" naiilang kong sagot saka tumingin sa glass wall ng shop.

Hindi naman sa ayaw ko mag-kape, to be honest baka nga kape na ang dumadaloy sa katawan ko instead na dugo.

Ang totoong rason kung bakit ayokong umorder; bukod sa mukhang mababaluktot 'yong dila ko sa hirap bigkasin ng mga kapeng nandito, wala akong pera!

Nakakahiya namang magpalibre sa manyak na color blind na magnanakaw ng halik na 'to. Hindi pa kami close 'no! At hinding-hindi kmi magiging close!

"Sigurado ka?" tanong niya ulit saka blankong tumingin sa 'kin.

"OO!" napatakip ako sa bunganga ko dahil sa ginawa ko.

B-bakit ba ako sumigaw nang walang dahilan?

Napatingin ako sa kaniya, as expected naka poker face na naman siya. Pero this time, parang may kakaiba sa mukha niya. Parang malungkot siya—at naiinis?

Napa-kunot noo ako.

Naiinis ba siya sa 'kin dahil nasigawan ko siya?

Mali mali mali. Hindi dapat ako kabahan, siya naman ang nagdala sa 'kin dito in the first place eh. May dahilan ako para sigawan siya.

"Hindi mo naman kailangang sumigaw eh, malabo lang ang mata ko hindi ako bingi" makahulugan niyang wika saka siya tumayo at naglakad papunta sa counter.

Pagkarating niya do'n ay napa-irap ako.

"Hindi lang malabo 'yong mata mo 'no, manyak na color blind na magnanakaw ng halik ka rin kaya. Duh?" bulong ko.

Teka nga, ano bang ginagawa ng lalaking 'yon sa counter? Iiwan niya ba ako? Ang kapal ng mukha niya ha, pagkatapos niya akong idala dito!

"Buwiset ka talaga Chris Nicola Vergara!" inis kong bulong. Nang akmang tatayo na sana ako para umalis do'n ay bigla siyang lumingon sa 'kin saka naglakad pabalik bitbit ang isa pang cup ng cape.

Pagkaupo niya sa tapat ko ay pinadausdos niya 'yon sa lamisahan na awtomatikong tumigil sa tapat ko.

"Inumin mo" utos niya na walaan lanh talagang karea-reaksyon sa mukha.

"Ano naman 'to? Peace offering para sa nangyari kanina? Noong bigla mong hinila 'yong kamay ko pati na rin noong hinalikan mo ako sa caffeteria?" ngumisi ako. "Kung gano'n nga, wag na lang. Sa 'yo na 'yang kape mo" dugtong ko saka ko itinulak pabalik 'yon.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon