(MISSING YOU)
***CHRIS
Sabi nila, kung talagang kayo ang para sa isa't-isa----kahit na anong mangyari at kahit na ano pang pagsubok na dumating sa inyong dalawa, kayo pa rin hanggang sa dulo.
Isang linggo na. Isang linggo na ang nakakaraan ng umalis si Ella. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon para masabi sa kaniya ang lahat, hindi ko man lang siya nayakap at nahalikan bago siya umalis.
Sa loob ng isang linggo ay halos gabi-gabi akong umiinom, palagi akong lasing at may hang-over kapag pumapasok sa school. I didn't really got time to attend our gang's meetings, hindi na rin ako masyadong nakakapag-focus sa mga lessons.
Si ate Natalia na ang bagong dean sa Monteverde University ngayon, and she does a good job at managing the school. Tungkol kay Kara----I don't know anything about her.
Simula ng sugurin niya ako sa condo ko, wala na talaga akong narinig na balita sa kaniya. I never saw her since our last encounter. Sa ngayon, her silence creeps me. Hindi ko alam kung ano ang plano niya ngayon at kung ano na namang ka-demonyohan ang umaandar sa utak niya.
Simula rin ng araw na magkaayos kami ni mommy, dito na ako sa bahay umuuwi talaga. I badly need something to divert my attention because the pain and sadness I feel kills me, at itong pag-uwi ko lang dito sa bahay ang nakikita kong paraan para magawa ko 'yon.
It's half 9 pm, biyernes ng gabi at hindi ko alam kung may balak akong lumabas ng kuwarto ko bukas. I'm so tired of going to bars and drinking, malungkot pa rin ako hanggang ngayon pero kailangan ko pa ring alagaan ang sarili ko. I have to stop drinking before the alcohol makes a permanent damage on my body.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga saka ko tinanggal ang damit na suot ko. Naglakad ako papunta sa veranda saka isinandal ang katawan ko sa bakal na grills. Kasabay ng pagsipol ng malamig na hangin ay ang unti-unti kong pagtingala para tanawin ang mga bituin sa langit.
Sabi ng mommyla ko dati, kapag malungkot ako dahil wala sa tabi ko 'yong taong mahal ko----tumingin lang ako sa langit. Para kahit na hindi kami magkasama, atleast maaalala ko na sa iisang langit lang kami nakatingin.
Napapikit ako.
My warm tears kissed the cold breeze that started to embrace me.
Sinabi ko no'ng engaged pa kami ni Kara na balang araw, makakalimutan din ako ni Ella at makakahanap rin siya ng lalaking deserve 'yong pagmamahal niya. Ngayon ay mukhng ganoon na nga ang nangyayari.
Ngayon ko lang narealized ang takot ko, 'yong takot na magkakatotoo ang hiling ko at tuluyan na niya akong makalimutan. Kasi hindi ko pala kaya, hindi ko pala kayang makita siya na masaya sa piling ng ibang lalaki. I-imangine ko pa lang 'yong mga tawa nilang dalawa, nasasaktan na ako. Paano na lang kaya kung makita ko 'yon gamit ang mismo kong mga mata?
She's with Dan, sa lugar na hindi ko alam kung saan. Kahit pa pumunta ako sa America ngayon, maliit pa rin ang chance na makita ko siya dahil sa laki ng lugar na 'yon. Igugol ko man lahat ng oras ko para gawin 'yon, alam kong mauuwi lang sa wala ang lahat.
Pinunasan ko ang mga luha ko saka ibinalik ang tingin sa langit.
These stars witnessed all my tearful nights since Ella left me. Narinig na rin nila lahat ng mga palahaw at paghikbi ko.
I missed Ella, sobra. At sa bawat araw na lumilipas----sa bawat pagmulat ko ng mga mata ko sa umaga, patuloy akong humihiling na sana nasa tabi ko na lang siya.
She's my first love, and my first heartbreak. I never thought love could be this painful, I never thought that fate can be this cruel. Pero nangyari na mga, at nararanasan ko pa.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)