(THE GIFT PART 2)
****"Let's all cheers for the future success of the company and for the biggest upcoming wedding in the Philippines" itinaas ng mommy ni Chris ang hawak niyang wine sa ere. Gano'n din ang ginawa ng mga guests. "Cheers!"
"CHEERS!" itinaas ko na lang rin ang hawak kong wine glass na tubig ang laman saka ko 'yon minsanang nilagok.
"We heard a lot from the HV group of companies CEO, my ninang. Madame Precilla Vergara!" nagpalakpakan ulit ang nga tao habang bumababa ang mommy ni Chris.
"Well, I heard that the future groom has something to say too?" jolly na wika ng emcee.
Tumayo si Chris saka siya humarap sa lahat ng mga guest. Inabutan siya ng microphone ni Mindy saka ito bumaba sa stage.
"Hello everyone" panimula niya sa mababang tono. Hindi ko mapagilan ang sarili ko na pagmasdan siya.
I miss his voice, at lahat ng bagay na patungkol sa kaniya.
Bumuntong hininga ako saka pilit na ngumiti habang nakikinig sa kaniya.
"I made this realization ilang araw lang mula ngayon" he cleared his throat saka niya ibinaling ang tingin sa akin.
Napalunok ako.
I was stoned just by staring at his piercing eyes, parang hinahalukay no'n ang buo kong pagkatao. Pero may isang bagay akong nakita mula sa mga mata niya dahilan para muling umusbong ang kaba sa dibdib ko...
His eyes were full of sadness.
"May mga tao sa buhay natin na dumarating bilang tukso, they'll do everything to lead us into something na puwedeng sumira sa relasyong binuo natin kasama ang taong pinakamamahal natin" hindi niya inalis ang titig niya sa 'kin, so am I.
A-ako ba ang tinutukoy niyang tukso?
"Is he even serious? Hindi niya dapat sinasabi ang tungkol sa bagay na 'yan!" inis na bulong ni Dan saka siya tumingin ng masama kay Chris. Pero mukhang hindi siya nakita ni Chris.
"H-hayaan na lang natin Dan, pakinggan natin kung ano 'yong sasabihin niya" pagpapakalma ko sa kaniya.
Malungkot siyang tumingin sa 'kin saka niya hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
I smiled.
"And that is what actually happened to me and Kara. I pushed her away dahil may nakita akong isang tao na sobrang kakaiba, I thought she was very unique—kaya na challenge ako" pagpapatuloy ni Chris.
Tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ko.
"Niligawan ko siya, hanggang sa naging kami. But every time na kasama ko ang babaeng 'yon, paulit-ulit akong binabagabag ng konsensiya ko. Paano ko nagagawang manloko ng isang tao na wala namang ginawa kundi mahalin ako? Paano ko nagagawang sikmurain na araw-araw kong kasama ang babaeng 'yon habang 'yong totoong babaeng mahal ko, hinihintay pa rin 'yong pagbabalik ko sa kaniya?" tinanggal niya ang tingin niya sa 'kin saka niya nginitian si Kara.
Unti-unti ko na kang naramdaman ang unti-unting pagpatak ng mainit na likido mula sa mga mata ko. Mabilis ko 'yong pinunasan saka ako huminga ng malalim.
Wag ngayon Ella...
"Kara, I know I was a jerk at humihingi ako ng tawad dahil doon. Pero sabi nga nila, kahit na anong pagsubok pa ang dumating. Kung para kayo sa isa't-isa, kayo pa rin hanggang sa huli. Ngayon nandito na ako ulit, nagising na ako sa katotohanan. I love you and will always be" lumapit siya kay Kara saka niya 'to hinalikan.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)