(RUINED PART 2)
***Kinaumagahan ay maaga akong gumising, o mas tama bang sabihin kong hindi talaga ako nakatulog?
Magdamag kong inisip kung ano ba ang kasalanang nagawa ko sa mundo para ma-deserve ang ganito kasakit na bagay.
Sa totoo lang hindi na umalis si Dan. Magdamag niya akong kinausap sa kuwarto ko at pinagaan ang loob ko. Umuwi na lang siya kaninang madaling araw para magpalit ng uniform, babalik siya dito para sunduin ako.
Wala pang nakaka-alam ni-isa sa pamilya ko ng tungkol sa nangyari. Ayoko kasing maawa sila sa 'kin o maging iba ang pananaw nila sa mga desisyon ko sa buhay. Lalo na't halos wala pang isang linggo bago ko siya sagutin.
Sobrang excited pa man din akong magcelebrate ng weeksary, monthsary and aniversary katulad ng ibang mga couples tapos mauuwi lang pala sa ganito.
Hindi na ako nag-abalang i-text si Chris tungkol dito dahil hindi ko na naman kailangan pa ng explanation niya, what I have seen and heard is enough para maintindihan kong si Kara talaga ang gusto niya at palabas lang ang lahat.
Hindi na rin ako nagtaka kung bakit wala akong natanggap na text mula kay Chris dahil una sa lahat, tapos na ang lahat sa 'min.
Nag log-out muna ako sa mga social media accounts ko dahil paulit-ulit akong nakakatanggap ng mga messages sa ibang tao. And they all seem to despise me.
Wala naman akong masamang ginawa, pero bakit ako pa 'yong sinasabihan nilang malandi? Na nilandi ko raw si Chris knowing na engaged na pala siya at may mahal na siyang iba?
Marami na rin akong nataggap na text mula kina Janina, pero hindi ko na lang muna pinansin. Ngayon kasi wala akong gustong makausap na iba kundi si Dan lang.
Bago ako maligo ay tinignan ko muna ang mukha ko sa salamin. Nangingitim na ang ilalaim ng mata ko at mugtong-mugto 'yon dahil sa magdamag kong pag-iyak.
Sa totoo lang pakiramdam ko para akong naka-lutang sa kawalan, tanging lungkot at sakit lang ang nararamdaman ko—wala nang iba.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ay mabilis akong bumaba, saktong nakita ko si Dan na naka-upo sa may sala.
"Tara na Dan?" aya ko sa kaniya, agad naman siyang tumayo.
"Aalis na kayo kaagad? Kumain muna kayo, maaga pa naman" singit ni mama mula sa kusina.
"Hindi na po ma, may activity po kasi kaming kailangang ipasa ng maaga" paliwanag ko, sinubukan kong magtunog-normal.
"Ganoon ba? O sige, kung gano'n umalis na kayo. Basta siguraduhin niyong kumain kayo doon mamaya" paalala ni mama saka naghain para kay kuya Joaquin at Zach na kasalukuyang naliligo.
Pagkalabas na pagkalabas namin ng bahay ay tinanong ako ni Dan.
"Sigurado ka bang kaya mo na talagang pumasok? Umabsent ka na lang muna kaya? Wala pa so kundisyon ang utak mo eh" bakas sa tono niya ang pag-aalala.
Ngumiti ako sa kaniya saka nagsalita.
"Okay na ako, wag ka nang mag-alala. Isa pa nasabi ko naman na sa 'yo lahat ng hinanakit ko kagabi eh, kaya ko na 'to" hindi ko na siya hinintay pang magsalita, agad akong sumakay sa passenger's seat ng kotse niya.
Buong biyahe ay wala kaming imikan, naka tingin lang ako sa labas ng kotse habang nag-iisip ng malalim. Nararamdaman kong paminsan niya akong tinatapunan ng tingin pero agad din niyang ibinabalik sa daan.
Nang makarating kami sa entrance ng university ay sa 'kin naka-tingin ang lahat ng mga tao. Karamihan sa kanila nagbubulong-bulungan pa at nagsasabihan ng mga masamang bagay pero hindi ko na lang pinansin.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)