KBANG (Chapter 94)

46 3 0
                                    

(BROKEN TIES)
***

ELLA

Madilim, malamig, malansa.

Kasabay ng pagihip ng malamig na hangin mula sa maliit na bintanang naka lagay sa taas ng isa sa mga pader ng kinalalagyan ko ay ang tunog ng paulit-ulit na pagpatak ng tubig mula sa isang sirang tubo sa kisame.

N-nasan ako at...paano ako napunta dito?

Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng sakit sa ulo kay sinubukan kong tumayo mula sa kinauupuan ko ngunit hindi ako makagalaw. Taka akong napatingin sa katawan ko dahilan para mapamulagat ako.

Naka tali ang dalawang kamay ko sa arm rest ng inuupuan ko, ganoon din ang katawan ang paa ko!

Biglang bumalik sa balintataw ko ang lahat ng mga nangyari ilang oras na ang nakakaraan;

Kanina, nakita ko si Chris sa airport. Lalapitan ko na sana siya pero biglang dumami ang mga tao, tapos naramdaman ko na lang na may tumakip sa ilong at bibig ko bago ako mawalan ng malay. A-at ngayon, napadpad ako sa lugar na 'to.

Sinubukan kong tanggalin ang pagkakatali ko pero masyadong 'yong makapal at mahigpit. Doon na ako nagsimulang kabahan.

"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO PARANG AWA NIYO NA!" umalingaw-ngaw sa apat na sulok ng kuwarto ang boses ko. "PAKAWALAN NIYO AKO DITO!"

Hindi ko na napigilang tanungin ang sarili ko; bakit ako nandito? Bakit naka-tali ang buong katawan ko? P-papatayin ba nila ako?

Akala ko, sa mismong araw rin na to magiging masaya na ako dahil magkakasama na ulit kami ni Chris----maliliwanagan na rin ako sa lahat. Pero anong nangyari? Bakit ako nakatali sa madilim na lugar na 'to?

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng magkakasunod na tunog mula sa isang pares ng sapatos, parang galing 'yon sa labas ng kinalalagyan ko.

My heart pumped fast as the door slowly swang open. Mula do'n ay may mumunting liwanag na sumilip kasabay ng pagpasok ng isang tao.

Naka suot siya ng isang combat boots, itim na latex shorts at itim na leader jacket. Hindi ko malaman kung babae ba siya o lalaki dahil baggy ang mga suot niya at naka suot siya ng bonet.

Sandali niya akong tinignan dahilan para magsitindigan lahat ng mga balahibo ko sa katawan. Pagkatapos no'n ay may kung ano siyang dinukot mula sa likod niya.

Dahil sa kaba ay hindi ako makapagsalita, it seemed like I was being petrified by the figure's menacing aura.

May kung ano siyang pinihit do'n saka niya binuksan iyon na parang saging, doon ko lang napagtanto kung ano ang hawak niya.

Pinaikot-ikot niya sa ere ang balisong habang naglalakad siya papalapit sa 'kin----nagpakawala 'yon ng magkakasunod na impit at masakit sa taingang tunog. Ilang saglit lang ay nakaramdam na ako ng butil-butil na pawis ang noo ko, buong buhay ko hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong uri ng takot----ngayon lang!

Nang makalapit na siya sa 'kin ay bigla niyang tinutok sa mukha ko ang balisong na kuminang pa dahil sa ilaw na mula sa bintana. Napapikit ako at pigil hiningang sumigaw.

"Wag! Parang awa mo na! Wag mo 'kong papatayin!" hindi pa ako handang mamatay. Hindi pa ako handang isuko ang buhay ko dahil marami pa akong gusto at kailangang gawin. Gusto ko pang maranasan na maging masya, gusto ko pang mahalin si Chris. G-gusto ko pa siyang makasama.

"Hahahaha!" bigla siyang tumawa ng malakas.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong babae ang nasa harapan ko, dahil doon ay nabawasan ang takot na nararamdaman ko. Kabado man ay inipon ko ang lahat ng lakas ko saka ako nagsalita.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon